
Ni NOEL ABUEL
Kinatigan ng Commission on Audit (COA) ang akusasyon ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor na kumukuwestiyon sa P479M halaga ng COVID-19 pandemic procurements na karamihan ay mga relief food packs na ginawa ng lokal na pamahalaan ng Quezon City.
Aniya, sa COA website, sinabi ng state auditors na ang ginawang pagbili ng Quezon City government ay posibleng may paglabag sa Procurement Law and its implementing regulations gayundin ang accounting rules.
“Payments…were not supported with complete documentation…Thus the validity and regularity of the transactions cannot be ascertained,” ayon sa COA.
Sinabi naman ni Defensor, na ang nakitang kuwestiyunableng paggastos ng malaking halaga ay patunay sa ibinunyag nitong nagkaroon ng overpriced sa biniling food pack ng tanggapan ni QC Mayor Joy Belmonte.
“Mayor Belmonte has not sufficiently explained the procurements, conveniently dismissing our whistleblowing as politically-motivated. Now the COA itself is questioning the transactions,” ani Defensor.
Sinasabing isang concerned citizen ang naghain na ng kasong plunder laban kay Belmonte sa Office of the Ombudsman na may kaugnayan sa nasabing maanomalya umanong pagbili ng relief food packs.
Sinabi ni Defensor na sa COA report, ang P479M halaga ay hindi suportado ng mga papeles tulaad ng kung ilan ang food aid na tinanggap ng mga benepisyaryo gayundin ang procurement plan at patunay na online posting ng notice of award, contract o purchase order.
Nabatid na ang P479M ay bahagi ng pondo sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Law na inaprubahan ng Kongreso kung saan ibinigay ng Department of Budget and Management (DBM) sang pondo sa Quezon City government noong Abrill 7, 2020.
Ayon kay Defensor base sa COA report, sa P479M, gumastos ang city government ng P385M para sa food packs, P84.7M sa bigas at plastic bags, at P9.4M sa noodles.
Natukladan din aniya na nilabag ng QC government ang accounting rules nang itrato nito ang pondo bilang bahagi ng internal revenue allotment (IRA) o local share sa national taxes sa halip na nanggaling ito sa national government ilang subsidiya.
Sa huli ay nilinaw naman ito ng QC government at inamin ang pagkakamali.
