
Ni NOEL ABUEL
Nababahala ang isang kongresista na tuluyang dumami ang bilang ng mga Filipino seafarers ang mawawalan ng trabaho bunsod ng banta ng tuluyang pagba-ban sa mga ito sa mga bansa sa Europe.
Ayon kay Angkla party list group 1st nominee Rep. Jesulito Manalo, kailangang kumilos ang pamahalaan upang hindi matuloy ang posibleng ban sa Filipino seafarers sa European flagged ships habang hinihintay ang ilalabas na European regulations.
Nabatid na noong nakaraang taon, inilabas ng European Maritime Safety Agency’s (EMSA) ang assessment report sa isinagawang inspeksyon noong Pebrero hanggang Marso 2020 na natukoy kakulangan ng mga Pinoy seafarers sa edukasyon, pagsasanay at certification system.
“We ask the Duterte administration to consider this as an urgent concern. We cannot afford to lose jobs for about 1.5 million Filipino seafarers abroad. We cannot afford to lose billions of dollars of remittances especially now that we need funds in handling the COVID-19 pandemic,” sabi ni Manalo.
Pinaliwanag nito na ang EMSA recognition ay mahalaga hindi lamang sa mga Filipino seafarers sa Europe kung hindi sa buong mundo dahil sa karamihan ng mga barko ay dumadaan sa Europe.
Idinagdag pa nito na ang mga Filipino seafarers ay nakakasakay sa foreign-flag vessels sa pamamagitan ng Standards of Training, Certification and Watchkeeping (STCW) Certificate of Competency (COC) na inilabas ng Maritime Industry Authority (MARINA).
Aniya, prerequisite sa STCW COC ang Certificate of Endorsement (COE) na inilalabas ng MARINA tulad ng EMSA, kung saan dumadaan ang mga barko.
“The global maritime industry, albeit very essential for everyone, is really difficult to understand for outsiders. Ika nga natin sa Tagalog, masalimuot. That is the reason why Angkla is at the forefront of advancing maritime representation in Congress and even the executive department,” ani Manalo.
