Pakikipag-usap sa CPP-NPA dapat ay lokal na antas – solon

Ni NOEL ABUEL

Naniniwala si Senador Panfilo Lacson na usapang pangkayapaan sa lokal na antas ang pinakamabisang paraan para kausapin ang rebeldeng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Ayon kay Lacson, sa paraang ito mas mahusay na makikipag-ugnayan ng gobyerno ang sitwasyon ng mga miyembro ng nasabing grupo.

“This is why earlier, I proposed in a Senate hearing to shift to localized peace talks with the CPP/NPA. I told ex-Sec. Dureza and Sec. Bello that talking to Joma was useless. He had either lost control or was pursuing a malevolent agenda. That became the new policy of the government,” ani Lacson sa kanyang Twitter post nitong Martes.

“While it goes without saying we will exhaust all means to achieve peace, it is best that the peace efforts be localized. This is considering the failures of past administrations that engaged in centralized peace talks,” paliwanag ni Lacson, na kasalukuyang pinuno ng Senate Committee on National Defense and Security sa kabila ng pagdududa ng ibang sektor sa sinseridad ng centralized leadership ng nasabing rebeldeng grupo.

Ani Lacson, inirekomenda nito ang localized peace talks sa kasagsagan ng Senate committee hearing na dinaluhan nina dating Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza at Labor Secretary Silvestre Bello III.

Aniya, nasa posisyon ang LGUs para mas matukoy at mabigyang solusyon ang sitwasyon at pangangailangan ng mga rebelde sa iba’t ibang lugar sa bansa. Maaari namang magbigay ng malinaw na pamantayan ang gobyerno para sa mga isasagawang pag-uusap kaakibat ng assistance at supervision nito.

Dagdag pa ni Lacson, dapat na maging kasabay ng usapang pangkapayapaan ang pagde-develop sa mga lugar na inalisan na ng NPA para maiwasan ang pagbalik ng NPA surrenderees sa pagiging rebelde.                

Para mangyari ito, sinabi ni Lacson na itatama nito ang ilang kamalian sa pag-iimplementa ng programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para magamit ang pondo sa mga dapat na kalagyan nito.

Leave a comment