Huwag pa tayong magpakampante — solon

Senador Christopher “Bong” Go

Ni NOEL ABUEL

Sa kanila ng pagbaba ng bilang ng kaso na tinatamaan ng COVID-19 virus ay hindi pa dapat na magpakampante ang publiko.

Ito ang sinabi ni Senador Christopher “Bong” Go kung saan bagama’t nakapagtala lamang ng 17,000 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

“Yesterday, January 25, 2022, the country registered 17,000 plus new cases of COVID-19 only.  This is far fewer than the ones we had in the past days and weeks when we counted more than twenty to thirty thousand new cases per day,” sabi nito.

“Alam naman natin na maaga pa para sabihin na pababa na ang trend sa mga bagong kaso natin.  Pero umaasa ako na sana nga ay hindi na masyadong manalasa ang Omicron variant, lalo na at mahigit 58 milyong Pilipino na ang fully vaccinated,” dagdag nito.

Sinabi pa ni Go, chairman ng Senate Committee on Health, patuloy ang panawagan nito sa mga kuwalipikadong mamamayan na magpabakuna na. 

“Mas maraming mababakunahan, mas maraming Pilipino ang mabibigyan ng proteksyon mula sa mas malalang epekto ng COVID-19 at maging kamatayan.  Palaging sundin din ang mga itinakdang health protocols bilang proteksyon sa sarili at sa ating mahal sa buhay,” giit nito.

“Habang tuluy-tuloy ang ating kampanya laban sa pandemya, patuloy rin tayo sa ating pakikiisa sa gobyerno.  Huwag tayong magkumpiyansa dahil nandiyan pa ang banta ng kalabang hindi nakikita, kasama na riyan ang mga bagong variant at sub-variant ng COVID-19,” sabi nito.

Sa pamamagitan aniya ng patuloy na pagtutulungan at pakikiisa sa pamahalaan, malalampasan ng bansa ang krisis na bilang isang mas matatag na bansa.

Leave a comment