
Ni NOEL ABUEL
Kumpiyansa ang isang mambabatas na tuluyan nang maipapasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na naglalayong tumanggap ng P7,000 kada buwang sahod ang mga Barangay Health Workers (BHWs).
Ayon kay BHW party list Rep. Angelica Natasha Co, hindi na dapat pang ipagkait at malaking tulong para sa mga BHWs ang P7,000 suweldo na matatanggap kada buwan na nakapaloob sa House Bill no. 10699.
Nakasaad sa nasabing panukala, itinakda ang minimum monthly honoraria na P3,000 at buwanang hazard allowance na P1,000, buwanang transportation allowance na P1,000, at subsistence allowance na P100 kada araw na katumbas ng P2,000 sa loob ng 5 araw kada linggo.
Nabatid na pumasa na sa ikalawang pagbasa ang panukala at inihahanda pa sa huli at ikatlong pagbasa ng Kamara bago ipadala sa Senado.
Kumpiyansa si Co, na isusulong nina Senador Ralph Recto ang Senate Bill No. 2151 at SBN 2353 ni Senador Sonny Angara.
“The rich cities and first class municipalities may set rates higher than what HB 10699 provides depending on their financial capacity. Nationwide today, the range of BHW allowances is from a lowly P100 to a simple P2,000—a situation which can be considered degrading labor,” sabi ng kongresista.
“In Taguig City, a rich city, BHWs were upgraded from volunteers to job order personnel and their monthly now ranges from P7,900 per month to P9,700 per month. Before, when Taguig City BHWs were volunteers they received only P3,000 to P5000 per month,” dagdag pa ni Co, na nagsabing dapat na tularan ng iba pang LGUs ang Taguig City.
