Pagbaklas sa FB accounts ng tagasuporta ni BBM ibinulgar

Atty. Larry Gadon

Ni NERIO AGUAS

Ibinulgar ni senatorial candidate Larry Gadon na nakipagpulong umano ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa mga opisyales ng social media giant platform na Facebook upag baklasin ang FB accounts ng mga tagasuporta ni presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Isiniwalat ni Gadon na mismong tagaloob ng FB Phils ang nagtimbre sa kanya na umano’y nakipagpulong si Robredo kina Chris Kuzhuppily, Philippine public policy manager ng FB; Roy Tan, politics and government outreach manager for Asia Pacific at Kylie Mooney, government, politics and advocacy partner manager hinggil sa umano’y hindi mapigil na pagkahumaling ng milyun-milyong FB users kay Bongbong Marcos.

Si Gadon, na kumakandidato sa pagka-senador ngayong 2022 election, ay isa ring masugid na sumusubaybay ng mga kaganapan sa pulitika sa pamamagitan ng Facebook na kung saan mismong ang kanyang FB page ay tumatabo ng mahigit kalahating milyong views.

“Ito ang nakakatakot dahil lahat ng mga Facebook account na sumusuporta sa UniTeam ni Bongbong Marcos at Inday Sara ay posibleng ma-suspend o mabaklas nang tuluyan dahil sa pag-uudyok ng kampo ni Leni gamit ang kathang-isip na akusasyon,” ani Gadon.

“Dahil sa dami ng bilang ng mga tagasuporta ng UniTeam via Facebook ay nais ng kampo ni Leni na burahin na rin ang FB pages ng supporters nina Bongbong at Inday, ‘tulad ng ginawa nila sa Twitter accounts ng BBM supporters na sinasabing kanila ring ipasuspinde,” dagdag pa nito.

“Ginawa na nila ‘yan sa Twitter. At ayon sa ipinarating sa akin ng aking kaibigan na nasa loob ng FB Phils. ay ang isinusunod nila ang Facebook pages ng aming mga taga-suporta,” ani Gadon.

Kanyang ibinahagi ang isang text message mula sa kanyang kabigang bahagi umano ng FB Phils management team na “Leni team had a meeting with our senior officials, including Philippine public policy manager Chris Kuzhuppilly, head of politics and government outreach Roy Tan and Kylie Mooney. They plan to suspend massive BBM supporters’ accounts one week before campaign period starts. A middle man helping Leni’s team reach to FB is closely connected with US.”

Pilit umanong pinapalabas ng kampo ni Leni na mga peke o hindi lehitimo ang FB pages ng milyun-milyong supporters ng UniTeam.

Kinumpirma rin ni Gadon mula sa ipinarating sa kanya na isang tagapamagitan o middle-man na kilalang may koneksyon sa Estados Unidos ang tumutulong sa kampo ni Leni upang makipag-usap sa pamunuan ng FB.

Leave a comment