7,000 annual cap sa Pinoy nurses at healthcare workers na magtatrabaho sa US pinababasura

Ni NOEL ABUEL

Pinababasura ni Anakalusugan party list Rep. Michael Defensor ang 7,000 annual cap sa mga healthcare workers na nais magtrabaho sa ibang bansa dahil sa tahasang paglabag umano ito sa Konstitusyon.

 “We maintain that Filipinos enjoy the right to live and work wherever they can achieve the best quality of life for their families. Our healthcare workers are entitled to sell their skills to the highest-paying employers around the world – whether in the United States or in the United Kingdom,” paliwanag ni Defensor.

Ang panawagan ay ginawa ng kongresista matapos na panibagong batch na nasa 9,788 Philippine-educated nurses ay kukuha ng U.S. licensure examination sa unang pagkakataon simula 2021 sa kabila ng COVID-19 pandemic.

“The number is higher by 63 percent compared to the 6,004 Philippine nursing graduates that took America’s eligibility test, or the NCLEX, for the first time in 2020, excluding repeaters,” ayon kay Defensor na base aniya sa U.S. National Council of State Boards of Nursing Inc.

Nabatid na ang National Council Licensure Examination (NCLEX) ang huling pagsusulit na hinihingi ng American nurse licensure process kung saan ang mga nursing graduates ay nagbabayad ng $200 para sa pagsusulit sa testing center sa Makati City at sa iba pang bahagi ng mundo.

Paliwanag pa ni Defensor, isang patunay na maraming Filipino nurses ang nagnanais na magtrabaho sa Estados Unidos dahil sa malaking suweldo na matatanggap ng mga ito sa sandaling makapasok sa ospital sa nasabing bansa.

“If we want at least some of our future nursing graduates to practice their profession here at home, we really have to improve in a big way their starting pay and benefits,” ani pa Defensor.

Isinusulong ni Defensor ang pagpasa sa House Bill 7933 na naglalayong dagdagan ng 78 porsiyento o katumbas ng P62,449, ang entry-level monthly pay sa lahat ng nurses na nagtatrabaho sa Philippine government hospitals at gawing Salary Grade 21 na ang suweldo ng mga nurses.

Sa kasalukuyan, ang tinatanggap na suweldo ng mga Pinoy  nurses ay nasa P35,097 na nasa Salary Grade 15.

Leave a comment