
Ni NOEL ABUEL
Iginiit ng isang kongresista na dapat nang alisin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagbabawal sa mga partially vaccinated na sumakay sa mga pampasaherong sasakyan.
Ayon kay Bagong Henerasyon party list Rep. Bernadette Herrera, marami pa ring indibiduwal ang nabakunahan ng isang beses kung saan dahil sa ibinaba na rin aniya sa Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR) at sa iba pang lalawigan simula sa Pebrero 1 ay dapat nang magluwag ang pamahalaan.
“Some 60 million Filipinos are waiting for their 2nd dose. To ban them from taking public transport would be to penalize them for being caught in a predicament not of their own making. They had no control, nor influence on vaccine availability. The schedule of their 2nd dose is a function of their vaccine’s characteristics and the DOH + FDA ruled,” paliwanag pa ni Herrera.
Binanggit din nito na hindi kasalanan ng 60 milyong indibiduwal kung bakit hindi pa nakukumpleto ang bakuna ng mga ito.
“So why fault and make the 60 million suffer for something not their fault or making? Where’s the justice and morality there?, What IATF, NTF-COVID, MMDA, and DOTR must do is make available the public utility vehicles assigned for the partially vaccinated workers. This is the just solution,” tanong pa ng kongresista.
Mas mabuti pa aniya na itigil na rin ang “no vax, no ride” policy dahil sa marami na umano ang mga exempted at nasa mahigit sa 90 porsiyento na ang tuluyang nabakunahan na.
“O kaya, mabuti pa, tigilan na ‘yang kabuuan ng “no vax, no ride” policy tutal napakarami rin namang exemption. Sa NCR, mahigit 90% na ng target individual ang fully-vaccinated. Ibig sabihin, malamang 9 sa bawat 10 sampung taong nakapila para sumakay ng public transport ay fully vaccinated na. So chechekin natin ‘yung authenticity ng vax card ng lahat ng sasakay sa jeep para mahuli natin ‘yung nag-iisang pirasong nagtangkang sumakay sa jeep pero di pa bakunado? Inaabala lang natin ang mga pasahero, at inaaksaya natin yung energy ng ating law enforcers,” paliwanag pa ni Herrera.
Sinabi pa nito na dapat na ang gobyerno ang gumawa ng mga paraan upang hindi magambala ang buhay ng mga mamamayan.
