Aug. 30 idineklarang National Press Freedom Day ng Senado

Senador Francis “Tol” Tolentino

Ni NOEL ABUEL

Idineklara na ng Senado ang Agosto 30 kada taon bilang National Press Freedon Day sa ikatlo at huling pagbasa.

Sa botong 19 pabor at walang tumutol sa Senate Bill No. 670, pinagtibay ng Senado ang nasabing panukala.

Ayon kay Senador Francis “Tol” Tolentino, ang sponsor ng SB 670, naging basehan ng mga senador bilang pagkilala sa bayaning si Marcelo H. del Pilar, na ikinokonsidera bilang ama ng Philippine Journalism, na sumulat gamit ang pen name na “Plaridel”.

Si Del Pilar ay isinilang noong Agosto 30, 1850 na pinagbasehan ng Senado para ideklarang National Press Freedom Day na isang working holiday.

Nakapaloob sa nasabing panukala na ang lahat ng ahensya ng pamahalaan, ang Armed Forces of the Philippines (AFP), ang Philippine National Police (PNP), ang mga government-owned and controlled corporations (GOCCs), at  mga local government units (LGUs) gayundin ang pribadong sektor na maglaan ng sapat na oras at oportunidad sa mga empleyado nitong sa National Press Freedom Day.

Inaatasan din ang Department of Education (DepEd), ang Commission on Higher Education (CHED) at ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), sa konsultasyon sa Office of the President (OP), government and private media organizations, na manguna sa mga pampubliko at pribadong eskuwelahan na gumawa ng organizing conscious-raising activities sa kahalagahan ng pamamahayag.

Leave a comment