Kasong syndicated estafa vs Pharmally execs

Lao at Yang inabsuwelto

Ni NOEL ABUEL

Inirekomenda ng House Committee on Good Government and Public Accountability na kasuhan ng syndicated estafa ang mga opisyales ng Pharmally Pharmaceutical Corp. na nakakolekta ng malaking kontrata sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) kaugnay sa umano’y kuwestiyonableng pagbili ng pamahalaan ng mga medical supplies na kailangan para sa COVID-19 pandemic noong 2020.

Ngunit hindi naman kasama sa pinakakasuhan sina Atty. Lloyd Christopher Lao, dating hepe ng PS-DBM, at ang negosyanteng si Michael Yang dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya laban sa mga ito.

Habang kabilang naman sa kinasuhan sina Jorge Mendoza II at Mervin Ian Tanguintic ng PS-DMB Inspection Division ng paglabag sa falsification of public documents dahil sa pag-amin na pinirmahan ng mga ito ang Ipro-forma ICAR kahit nasa China ang medical supplies.

Sinabi ni DIWA party-list Rep. Michael Aglipay, na kanilang inirerekomendang kasuhan ng syndicated estafa sa Department of Justice sina Pharmally chairman Huang Tzu Yen, treasurer Mohit Dargani, president Twinkle Dargani, Pharmally director Lincoln Ong, at iba pang opisyal ng kumpanya na sina Justine Garado at Krizle Grace Mago.

Nakasaad sa committee report na inabuso ng mga opisyal ng Pharmally ang “more lenient” o mas maluwag na procurement regulations sa Bayanihan Act One sa kontrata nito sa pamahalaan.

Iginiit ng kongresista na nagkakahalaga ng P8.68 billion ang nakuha at misappropriated funds mula sa general public.

Ang kaso na ito ay masasabi rin aniyang compliant sa element ng syndicated estafa kung saan dapat nasa limang katao ang siyang sangkot.

Nakita rin aniya nila na “extremely deficient” ang requirements na ibinigay ng Government Procurement Policy Board (GPPB) sa mga suppliers sa ilalim ng emergency procurement ng Bayanihan Act One.

Leave a comment