Marawi Siege Victims Compensation Act long overdue na – solon

Senador Christopher “Bong” Go

Ni NOEL ABUEL

Long overdue nang maituturing na maipasa ang Senate Bill No. 2420 o ang Marawi Siege Victims Compensation Act dahil sa marami pang residente nito ang hindi pa nakakabalik sa kanilang tahanan.

Ito ang sinabi ni Senador Christopher “Bong” Go kung kaya’t dapat nang tuluyang maging batas ang nasabing panukala na nakahain sa Senado at ipinasa na sa ikalawang pagbasa.

“Maraming salamat po sa aking mga kapwa senador sa pagsuporta ng Marawi Compensation Bill. Marami pa po sa ating mga kapatid doon ang hindi pa lubusang nakakabangon kaya naman po malaking tulong po ito sa kanila,” sabi ng senador.

“Marahil ito po ay long overdue na pero sinisikap naming maipasa ito para sa ating mga kababayan diyan sa Marawi. Sana ay maibigay na rin po namin sa inyo itong tulong na para sa inyo upang makaahon kayo,” pahayag pa ni Go.

Nabatid na 98 porsiyento ng populasyon ng Marawi City at iba pang karatig na munisipalidad ang naging biktima ng giyera sa pagitan ng teroristang grupo at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong 2017.

Tiniyak pa ni Go na hindi titigil ang pamahalaan sa pagtugon para matulungan ang mga apektadong pamilya at maabot ang inaasam na long-lasting peace at pag-unlad.

“The government’s efforts in achieving sustainable peace and development across the country must be continuously pursued,” aniya pa.

“Importante po ang tuluy-tuloy na pakikipagbayanihan lalo na po ngayong pandemya upang masigurado po ang muling pagbangon ng Marawi City. Let us continue working together to address the injustices done to our brothers and sisters in Marawi City,” apela pa nito.

Leave a comment