
Ni JOY SAN MIGUEL
Sa gitna ng mainit na pulitika sa bansa ay may maganda namang nangyari sa naitalang kasaysayan ng Philippine women’s football team matapos na makakuha ng puwesto sa FIFA Women’s World Cup 2023.
Kasaysayan ang naitala ng Malditas Philippine women’s football team nang talunin ang isa sa powerhouse na Chinese Taipei sa 4-3 sa penalty shootout sa AFC Women’s Asian Cup quarterfinal na ginanap sa Shree Shiv Chhatrapati Sports Complex sa Pune, India.
Itinuturing na bayani sa laro si Olivia McDaniel matapos na maharang ang dalawang spot kicks mula sa Chinese Taipei.
Una nang nangamba ang Philippine Team nang lumamang muna ang Chinese Taipei sa iskor na 3-2.
Ngunit hindi nasiraan ng loob si Sarina Bolden nang magbigay ito ng isang puntos sa pamamagitan ng spot kick hanggang na mauwi ang iskor na 4-3 pabor sa Pilipinas.
Labis naman ang kasiyahan ng kanilang head coach na si Alen Stajcic kung saan sinabi nito na magiging isang inspirasyon ang panalo ng Philippine team.
Susunod na makakaharap ng Pilipinas sa semifinals ang South Korea team.
Magiging host ang New Zealand at Australia sa FIFA Women’s World Cup 2023.
