
Ni NOEL ABUEL
Salamat sa wakas!
Ito ang tanging nasambit ni Deputy Speaker Mujiv Hataman matapos na tuluyan nang pumasa sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Marawi Compensation Bill.
“Good news sa pagpasok ng taon para sa mga kapatid nating taga-Marawi! After waiting for more than four years, we are inching closer to the enactment of the Marawi Compensation Bill as the Senate approved the measure on third and final reading!,” sabi ni Hataman.
“Aprubado na sa Kamara, aprubado na rin sa Senado! We are in deep gratitude to the Senate for its approval of the measure that will provide compensation to the victims of the 2017 Marawi Siege. Tunay na magandang balita ito para sa mga kapatid nating taga-Marawi na nahihirapang bumangon at nangangailangan ng tulong,” giit pa nito.
Bagama’t matagal na aniyang hinihintay nito ang pagpasa sa nasabing panukala ay nauunawaan naman nito na kailangang maging maingat sa pagbuo ng batas upang matiyak na masigurong magagamit ito para matulungan ang Marawi victims.
“Maraming bahay ang nawasak, maraming negosyo ang pinulbos ng digmaan, at maraming pag-aari ang naglaho sa kaguluhan, at ang mga ito ay nararapat lamang na mapalitan. At maganda ang Senate version ng panukala. Isa sa mga pinagpapasalamat natin sa Senado ay ang pagsasama ng “loss of lives” sa panukalang ito bilang entitled sa compensation,” pahayag pa ni Hataman.
“Alam nating hindi mababayaran ang mga buhay na nawala sa Marawi, ang mga mahal sa buhay na hindi na nila makakapiling kailanman. Pero kahit papaano ay makakatulong ang halagang makukuha sa ilalim ng panukalang ito para bumangong muli mula sa bangungot ng digmaan sa Marawi,” dagdag pa nito.
Sa ilalim ng Senate Bill 2420, makakatanggap ng monetary claims ang mga nasirang tahanan, , cultural, commercial at iba pang ari-arian gayundin ng nasirang mga home appliances, jewelry, machineries, at kagamitan dahil sa giyera.
Nasa 32 barangay ang makikinabang sa monetary claims partikular ang 24 barangay na nasa Most Affected Area (MAA).
“We hope that this Senate approval of the Marawi Compensation Bill will lead to the enactment of this measure, and we call on the President to leave a lasting legacy in Marawi by signing this bill into law. We thank Sens. Sonny Angara and Bato dela Rosa, chairs of the Senate committees on Finance and on the Marawi City Rehabilitation, for championing this measure as sponsors. Maraming salamat muli kay Sens. Joel Villanueva, Risa Hontiveros at Migz Zubiri para sa pag-file ng panukalang ito sa Senado,” masayang pahayag ng mambabatas.
