Banking institutions at financial sector pinakikilos vs online banking scams at hacking

Senador Christopher “Bong” Go

Ni NOEL ABUEL

Nanawagan si Senador Christopher “Bong” Go sa mga bangko at financial sectors na magtulungan at mag-invest sa cybersecurity at panatilihin paigtingin ang IT best practices sa buong bansa.

Ayon sa senador, dapat ay batid na ng mga bangko na marami na ang gumagamit ng digital platforms para sa mga transaksyon kung kaya’t awtomatiko nang lalong nag-iingat at nagpapatupad ng mahigpit na cybersecurity ang mga bangko.

“Dahil sa pandemya, napakaraming mga Pilipino po ngayon ang gumagamit ng digital platforms upang magsagawa ng kanilang financial transactions. Malaki man ang dalang ginhawa ng mga ito, nakita po natin na may kakulangan pa rin tayo pagdating sa pagprotekta sa ating mga kababayan laban sa mga krimen sa mga digital platforms na ito,” sabi ni Go.

“Kaya naman po hinihikayat ko ang mga bangko at iba pang financial institutions na mas paigtingin pa nila ang seguridad ng kanilang mga digital systems para masigurong protektado ang inyong mga kliyente,” dagdag pa nito.

Bagama’t naniniwala aniya ito na malaking bagay sa publiko ang digital  platforms ay nababahala rin ito laban sa mga kriminal na maaaring gamitin  ang nasabing platforms  para gumawa ng pagnanakaw.

Upang matiyak ang seguridad ng mga proseso ng gobyerno, hinikayat ni Go ang Department of Information and Communications Technology (DIC) na siguruhin ang seguridad, kalidad at pagiging maaasahan ng ICT infrastructure at serbisyo.

Ito rin ay mangangasiwa at mangangalaga sa pagtatatag at pagpapatakbo ng lahat ng nauukol na imprastraktura, sistema at pasilidad.

Leave a comment