
Ni NERIO AGUAS
Nakahanda na ang Bureau of Immigration (BI) para sa inaasahang pagdagsa ng mga dayuhan sa Pilipinas matapos payagan ng pamahalaan na pumasok ang mga foreign tourist simula sa Pebrero 10.
“We are ready and we have the available manpower to address this projected increase in passenger volume in our airports,” sabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente.
Sinabi pa ni Morente na marami na ring BI employees ang nakapasok matapos na gumaling mula sa epekto ng COVID-19 virus.
Aniya, 401 BI personnel na karamihan ay nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na una nang nagpositibo sa virus ang kasalukuyang nasa isolation at quarantine at nakatakdang nang bumalik sa trabaho.
“We continue to operate at full capacity in the airports as we anticipate an increase in international flights and passengers in the next few weeks,” sabi ni Morente.
Sinabi naman ni Atty. Carlos Capulong, ang hepe ng BI port operations, na simula Enero 31, nasa 23 IOS na nakatalaga sa mga paliparan ang patuloy na nagpapagaling sa COVID-19.
Aniya, 14 sa mga ito ay nakatalaga sa NAIA, habang apat naman sa Clark airport, dalawa sa Mactan, dalawa sa Kalibo, at isa sa Davao.
“To cope with a sudden or unusual increase in passenger volume we have formed a reserve team of immigration officers from other BI officers who will be tapped to augment and assist our frontliners at the airport if the need arises,” ayon pa kay Capulong.
Tinitiyak naman ng BI na ang lahat ng dayuhang papasok sa bansa ay fully-vaccinated sa ilalim ng resolusyon na inilabas ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).
Pinayuhan ng BI ang lahat ng airlines at mga pasahero na smunod sa itinatakdang panuntunan sa BI website at Facebook page nito.
