
Ni NOEL ABUEL
Tiwala si Senador Sonny Angara na ang pag-amiyenda sa Sangguniang Kabataan Law ay malaking hakbang para higit na mapalakas ang boses ng mga kabataan.
Ayon kay Angara, principal author at sponsor ng Senate Bill 2124, umaasa itong na ngayong kasalukuyang panahon ay mas marami pang kabataan sa bansa ang posibleng maging susunod na pinuno sa pamamagitan ng SK.
Una nang niratipikahan ng Senado ang bicameral conference committee report sa probisyon ng SB 2124 at House Bill 10698, at nakatakdang ipadala sa Malacañang para tuuyang malagdaan.
“It has been six years since RA 10742 or the SK Reform Act was enacted and with these improvements that we introduced, we are optimistic the SK system will remain relevant as a tool to foster the growth and development of the Filipino youth as future leaders of the country,” sabi ni Angara, na siyang chairman ng Senate Committee on Youth.
Sa ilalim ng nasabing panukala, ang mga SK members, secretaries at treasurers ay makakatanggap ng monthly honoraria na manggagaling sa SK funds.
Nabatid na sa kasalukuyan ay tanging ang SK chairperson lamang ang tumatanggap ng honoraria sa pamamagitan ng estado ng ex-officio members ng Sangguniang Barangays.
Napagkasunduan sa bicameral conference meeting, na ang paggamit ng SK funds ay dapat na maging prayoridad para sa mga programa, proyekto at mga aktibidad na naaayon sa Philippine Youth Development Plan tulad ng health, education, environment, global mobility, active citizenship, governance, social equity and inclusion, peace building and security, human rights, gender equality at economic development.
Ilan sa tinukoy rin sa panukala na programa at proyekto ng mga SK ang probisyon sa student stipends, food, book and transportation allowances; sports and wellness projects; skills training, summer employment, on-the-job training and livelihood assistance; projects promoting the participation of the youth and their initiation in agricultural, fishery, and forestry enterprises; programs and activities that address context-specific and intersectional vulnerabilities of young people; and capacity building for grassroots organization and leadership.
Maliban dito, nakasaad sa batas na ang mga local government units ay papayagang na magbigay ng karagdagang honorarium at social welfare contributions at hazard pay sa SK chairperson.
Nakapaloob din sa panukala na ang kuwalipkasyon ng SK treasurer na kinakailangang nakatapos ng pag-aaral, o career background sa business administration, accountancy, finance, economics o bookkeeping.
Sinabi pa ni Angara na ang age range sa SK treasurer gayundin sa SK secretary ay ginawang 18-anyos hanggang 30-anyos mula sa dating 18-anyos hanggang 24-anyos lamang.
Ang mga SK officials ay awtomatikong makakatanggap ng Civil Service Eligibility kung matatapos ng mga ito ang kanilang termino.
