Camarines Norte all-out support kina BBM-SARA

Ni NOEL ABUEL

ALL-out support ang ipinangako ng mga opisyales ng Camarines Norte para kina Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) vice presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte at Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

 Mismong si Camarines Norte Gov. Edgardo Tallado ang sumalubong kina Marcos-Sara tandem kung saan inilunsad ang “Sara para sa Barangay” initiative sa pakikipagtulungan ng Lakas-CMD sa Agro Sports Center at the Provincial Capitol.

“Mga kababayan ko, tulungan po natin si Mayor Inday Sara. Tulungan natin kasi po malaki ang maitutulong niyan sa ating probinsya,” sa pahayag ni Tallado sa harap ng 1,500 community at sectoral leaders.

“At kung sino po ang kasama ni Mayor Inday, ganu’n din, dapat tulungan din po natin. Dapat sila ay magkasama. Kasi po kung si Mayor Inday lang, ‘yung mga gusto niyang gawin sa bansang Pilipinas hindi rin po mangyayari ‘yan. Kaya dapat ‘yung kanyang ka-tandem (Marcos) dapat tulungan din po ng Camarines Norte,” na tinukoy si Marcos.

Nabatid na ang Camarines Norte ay mayroong  400,000 registered voters.

Sa nasabing okasyon, dinaluhan ng Lakas-CMD ni Bicol provincial chairman at Catanduanes Rep. Hector Sanchez at Lakas-CMD Vice President at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” Dalipe.

Nagpasalamat naman si Duterte sa mainit na pagtanggap ng mga residente ng Bicol region.

“Kami po ay masaya na nakasama namin kayo ngayon umaga na ito. Maraming salamat po sa oras at oportunidad na ibinigay niyo sa amin na makilala kayo at makasama kayo sa araw na ito at makapagbigay ng maikling mensahe para sa inyo,” sabi ni Duterte.

 Ipinarating din ng vice presidential aspirant ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga taga-Camarines Norte.

“Si Pangulong Duterte po ay nagpapasalamat sa inyo sa suporta sa kanyang administrasyon noong 2016 hanggang ngayon at matatapos na po yung termino niya sa June at nagpapasalamat sa suporta ninyo sa kanyang administration. Hindi daw po niya maiisa-isa lahat, magpapasalamat at maikot lahat. Pero nasa puso niya ang pagpapasalamat sa inyo,” ani Duterte.

Una nang tinungo ng Marcos-Sara tandem ang Naga City kung saan pinangunahan ito ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, National Unity Party (NUP) stalwart, at anak nito na si incumbent Gov. Miguel Luis “Migz” Villafuerte na tumatakbo sa pagkakongresista habang tumatakbo namang gobernador si Luigi Villafuerte, na miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at nagpahayag ng suporta kina Marcos at Sara Duterte.

“Well kami po ay natutuwa na binisita ni Mayor Inday Sara ang Camarines Sur. Para sa kaalaman ng lahat si Mayor Inday Sara is the adopted daughter of Camarines Sur. Bakit? Sa lahat ng pagsubok namin sa Camarines Sur sa bagyo ay palagi siyang pumupunta at nagbibigay ng tulong,” sabi ni Cong. Villafuerte.

“So for us napakadali pong isipin na ang tutulungan namin ay iyung nakatulong so now that she is running for vice president, 100 percent po ng aming pamilya at supporters will support her kasi simple lang ang amin pong philosohy, tutulungan po namin ang nakatulong, tumutulong, at makakatulong,” dagdag pa nito.

Leave a comment