‘Ping-Sara’ Tandem walang katotohanan – Sen. Lacson

Ni NOEL ABUEL

 Mariing pinabulaanan ni Senador Panfilo Lacson ang lumalabas na espekulasyon na may namumuong Lacson-Sara tandem para sa darating na May 2022 national elections.

Sinabi ito ng senador kasabay ng paliwanag na walang katotohanan ang nasabing impormasyon at ito ay walang sapat na ebidensya at hindi maaaring mangyari.

“With all due respect and not taking anything away from Mayor Sara Duterte-Carpio, I intend to stick it out with my Partner, Senate President Vicente “Tito” Sotto III, as my running-mate all the way,” sabi ni Lacson.

Ayon pa dito, naniniwala itong maging si Mayor Sara Duterte ay tapat sa presidential candidate nitong si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos kung kaya’t walang mangyayaring kakaiba.

Idinagdag pa ni Lacson na ang Lacson-Sotto tandem ay nasa tamang landas sa isinusulong nitong ayusin ang pamahalaan.

“I believe Mayor Sara feels the same way about her presidential candidate. That said, let me reiterate that the LACSON-SOTTO tandem remains committed to uplift the lives of Filipinos by fixing the ills of government (Aayusin ang Gobyerno, Aayusin Ang Buhay ng Bawat Pilipino) and by going after thieves, especially those in government (Uubusin ang Magnanakaw),” sabi pa nito.

Leave a comment