Samu’t saring armas at alak nakuha sa BI warden facility

Sa kanan makikita ang maraming uri ng kutsilyo at gunting na kasamang nakuha sa BIWF habang sa kaliwang ay abala ang mga BI officers at ilang tauhan ng PNP habang pinaplano ang isasagawang greyhound operations.

Ni NERIO AGUAS

Samu’t saring armas, alak at gambling materials ang nakumpiska ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa isinagawang surprise raid sa mga dayuhang nakadetine sa BI warden facility (BIWF) sa Taguig noong nakalipas na araw ng Biyernes ng umaga.

Magkasanib na puwersa ng BIWF management, ng BI Intelligence Division at ng BI Anti-Terrorist Group sa tulong ng Philippine National Police National Capital Region Police Office (NCRPO) Intelligence Division, at ng PNP Special Weapons and Tactics (SWAT) at ng PNP NCRPO–Regional Mobile Force Battallion (RMFB) nang isagawa ang ‘Greyhound Operation’ noong Pebrero 4.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang sunud-sunod na random surprise inspections sa nasabing piitan upang masiguro na nananatiling drug-free at walang illegal paraphernalia na nakakapasok sa nasabing piitan.

“This shakedown is long overdue, as the last raid that we conducted done a year ago,” said Morente.  “Such raids are also done to ensure that there is no special treatment in PDL,” sabi nito.

Nabatid na kabilang sa nakumpiska ang ilang gadgets tulad ng tablets, laptops, at cellphones, alcoholic beverages, gambling paraphernalia, kitchen knives, gunting, at iba pang matutulis na bagay gaya ng screwdrivers, martilyo at pliers.

“While the facility is not a jail, the use of gadgets is regulated.  Gambling paraphernalia are not allowed, and sharp objects are prohibited to prevent any untoward incidents,” sabi ni Morente.

Ang mga  nakumpiskang gamit ay pansamantalang itinago sa tanggapan ng BIWF at ibibigay lamang sakaling ipatapon na palabas ng bansa ang isang dayuhan.

Leave a comment