Pagkakaisa panawagan ni Mayor Sara Duterte   

NI NOEL ABUEL

Tinitiyak ni LAKAS-Christian Muslim Democrats (CMD) vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte sa mga Filipino na muling makakabangon ang ekonomiya ng bansa mula sa pagkakalugmok sa epekto ng coronavirus disease-19 (COVID-19).

Ginawa ni Duterte ang pahayag  sa ginanap na proclamation rally ng UniTeam sa Philippine Arena sa Bulacan kung saan isinulong din nito ang pagkakaisa ng mga Filipino  para labanan ang  pandemya.

“The past two years have been very challenging for all of us because the pandemic exacerbated whatever problem that we have in the past, but we are still here, full, alive and continuing to fight the challenges, and hoping that a brighter tomorrow will come,” sabi ni Duterte.

“We will move forward. We will live with COVID-19 and we will bounce like never before,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ng chairperson ng Lakas-CMD na ang kasanayan at eksperiyensa nito at ni presidential candidate Ferdinand Marcos ang magiging armas para malabanan ang lahat ng sagabal sa pag-unlad ng bansa.

“Sa aking paglilingkod, ginagawa ko ang natutunan ko mula sa aking mga magulang, dapat pantay pantay ang lahat, walang mayaman, walang mahirap. Walang babae, walang lalake. Walang bata, walang matanda, lahat tayo ay Pilipino,” aniya.

“Mas madaling magkaisa kung lahat tayo ay pantay pantay ang pagtingin at pagtrato sa isat isa. I-sapuso natin ang paglilingkod, una sa diyos, pangalawa sa bayan, pangatlo sa pamilya, that in all things it shall be for God, country and family,” sabi pa ni Duterte.

Leave a comment