Sen. Sotto nagpasalamat sa mataas na SWS ratings

Vice Presidential candidate Vicente Sotto III

Ni NOEL ABUEL

Nagpasalamat si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa taumbayan sa  pagtitiwala base sa inilabas ng Social Weather Stations (SWS) noong December 2021 survey kung saan nakapagtala ng malaking porsiyento ang una.

“Nakakatuwa po ang patuloy na tiwala na ibinibigay ng ating mga kababayan sa aking kakayahan bilang senador. Nakakaalis po ng pagod ang masigasig na pagsuporta ng taumbayan sa mga aksyon at desisyon ng Senado na aking pinamumunuan. Maraming salamat po,” sabi ni Sotto.

Nabatid na nakakuha si Sotto ng satisfaction rating na +52 SWS survey noong Disyembre na sinundan ni Vice President Leni Robredo na may  23% habang si Pangulong Rodrigo Duterte naman ang nakakuha ng pinamakataas na satisfaction ratings na +60.

“Ang tiwala ng ating mga kababayan ay nagsisilbing inspirasyon sa aking kampanya para maging bise presidente ng ating bansa. Hindi madali ang laban na ito, pero kukuha ako ng lakas ng loob mula sa pagmamahal at suporta na ibinibigay sa akin ng asking mga kababayan. Anumang hirap ang aking maranasan at anumang balakid ang aking harapin, ipinapangako ko po sa inyo na hinding-hindi ako bibitiw sa patuloy na pagsisilbi sa ating bayan,” sabi ni Sotto.

Paliwanag pa ni Sotto, naniniwala itong dahil sa maayos na pamamalakad nito sa Senado kung saan maraming panukalang batas ang naipasa ang nakadagdag para maraming tao ang maniwala sa kakayahan nito.                  

Aniya, lahat ng mga senador ay dapat na pasalamatan ng taumbayan dahil sa mga nagawa ng mga ito para sa ikabubuti ng mga Filipino.

Leave a comment