
Ni NERIO AGUAS
Nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) na ang mga balikbayan at kanilang mga asawa at anak ay exempted na magpakita ng return ticket mula sa bansang pinanggalingan ng mga ito.
Ito ang sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente kung saan ito ay base sa inilabas na utos ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), na in-exempt ang mga Filipino gayundin ang mga asawa at anak o dating mga Filipino mula sa nasabing mga requirement.
“This adjusted policy allows those arriving under a balikbayan status to better enjoy their one-year visa-free privilege,” sabi ni Morente.
“Balikbayan, as defined by the BI, are former Filipinos who have been naturalized to any of the 157 countries under Executive Order No. 408, s. of 1960 as amended. Balikbayan are entitled to a one-year visa free entry, which they can extend to their spouse and children, if traveling to the Philippines together with them,” paliwanag nito.
Habang ang mga family members ng mga Filipino na hindi kasama sa listahan ng visa-free countries, ay kinakailangang kumuha ng entry visa bago ang pagdating nito sa bansa.
