17 kasong kriminal vs ex-solon ibinasura ng Sandiganyan

Ni NEILL ANTONIO

Ibinasura ng Sandiganbayan ang 17 kasong kriminal na kinakaharap ng dating kongresista na may kaugnayan sa kontrobersyal na negosyanteng si Janet Napoles matapos mapatunayang binawian na ito ng buhay dahil sa karamdaman.

 Sa walong pahinang resolusyon ng Sandiganbayan Third Division, isinasantabi na ang kaso laban kay dating Benguet Rep. Samuel Dangwa dahil sa nasawi na ito noong Abril 3, 2019.

 Ayon sa anti-graft court, kabilang ang dating kongresista sa mga akusado sa anim na kasong graft, anim na kasong malversation of public funds, at limang kaso ng direct bribery  na pawang may kaugnayan sa maanomalyang P42.1 milyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel sa kontrobersyal na negosyanteng si Janet Napoles.

 Ibinasura rin anti-graft court ang tangka ng Office of the Ombudsman na na ipa-freeze ang bank account ni Dangwa sa Philippine National Bank sa kadahilanang ang civil liability ng dating kongresista ay nawala na dahil sa kamatayan nito tulad ng pagbasura sa 17 criminal cases laban dito.

 Ito ay sa kabilang ng argumento ng prosekusyon na walang mabawi ang Republic of the Philippines na pera kung hindi maglalabas ng writ of preliminary attachment sa bank deposits ni Dangwa.

“With the fact of death of accused Dangwa having been established, and its effect on the cases against him, the Court can no longer entertain the motion for the issuance of a writ of attachment filed by the prosecution. Being an ancillary writ, a writ of preliminary attachment has no independent existence apart from a suit on a claim of the plaintiff against the defendant,” ayon pa sa Sandiganbayan.

Ngunit, sinabi ng anti-graft court na ang Republic of the Philippines ay hindi maaaring pigilang na maghain ng hiwalay na civil case para mabawi ang sinasabing ill-gotten wealth ng dating mambabatas.

Leave a comment