LGBT Filipinos maaaring mag-ampon — solon

QC mayoralty candidate at Rep. Michael “Mike” Defensor

Ni NOEL ABUEL

Iginiit ni Anakalusugan party list Rep. Michael “Mike” Defensor na may karapatan ang mga lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) para mag-ampon ng bata.

Ayon sa kongresista, malinaw sa isinasaad ng batas na walang sinasabing tanging ang mag-asawa lamang ang maaaring mag-ampon sa mga naulilang bata.

“We must stress that under the law, the right to adopt a child is granted to individuals, and not to couples,” ani Defensor, vice chairperson ng House committee on welfare of children.

“Our adoption law does not discriminate against LGBT individuals who may wish to adopt children who are legally available for adoption,” dagdag pa ni Defensor, na tumatakbong alkalde ng Quezon City.

Ginawa ni Defensor ang pahayag upang maitama ang maling paniniwala ng publiko na tanging ang mag-asawang lalaki at babae ang maaari lamang mag-ampon.

“We want to encourage the adoption of abandoned and neglected children so that they may enjoy the living conditions conducive to their full development,” ani Defensor.

“We would also prefer domestic over foreign adoption to preserve the child’s identity and culture here at home,” aniya pa.

Sa ilalim ng batas, sinumang Filipino citizen, may edad 25-anyos ay maaaring mag-ampon ng bata na legally available para sa adoption.

Sinabi pa ni Defensor na tanging kailangan lamang masunod ang ilang panuntunan bago mangyari ang pag-ampon sa bata tulad na lamang ng kung ang isang indibiduwal ay full civil capacity at may legal rights; hindi pa nakukulong sa anumang kaso na may kinalaman sa moral turpitude; good moral character at emotionally and psychologically capable na alagaan ang bata.

Nakasaad din aniya sa batas na ang bata ay maaaring maampon sakaling mapatunayang inabandona na ito o pinabayaan ng kanilang mga magulang o legal guardian.

Leave a comment