South Korean, Taiwanese drug dealers kalaboso ng BI

Ni NERIO AGUAS

Nakatakdang ipatapon pabalik ng kani-kanilang bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang isang South Korean at isang Taiwanese national na pawang wanted sa kasong may kinalaman sa illegal na droga.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, naaresto ng mga tauhan ng  fugitive search unit (FSU) ang South Korean na si Choi Sungeun, 44-anyos, sa isang hotel room sa Bgy. Tramo sa Pasay City.

Inaresto si Choi sa bisa ng warrant of deportation na inilabas ni Morente kasunod ng natanggap na deportation order ng Korean government noong 2019 dahil sa pagiging undesirable alien at kinansela na rin ang pasaporte nito.

Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, si Choi ay may arrest warrant na inilabas ng isang district court sa Korea kung saan kinasuhan ito ng trading psychotropic substances na paglabag sa narcotics control act.

Idinagdag pa ni Sy na si Choi ay inakusahan din na gumagamit ng social media websites para mag-solicit buyers ng illegal na droga at tumanggap ng pera sa naging kliyente nito at inutusang ideposito sa bangko ang bayad.

Sa BI records, si Choi ay nagtago sa bansa simula pa noong May 2017 nang dumating ito bilang turista at simula noon ay hindi na umalis ng Pilipinas at tuluyang nagtago.

Samantala, nadakip din ng FSU ang isang Taiwanese na si Tsai Tsung-Yu, 26-ayos, sa Tambo, Paranaque City na may alyas na Cai Zong-You at wanted fugitive sa Taiwan.

Base sa ipinarating na communication ng Taiwanese authorities sa BI, si Tsai ay may outstanding warrant of arrest na inilabas ng Taiwan New Taipei District Prosecutors Office dahil sa drug trafficking,.

At sa database ng BI, natuklasan na isa rin itong overstaying alien dahil nag-expire na ang visa nito noon pang nakalipas na taon.

Kasalukuyang nakadetine sa holding facility ng BI sa Bicutan, Taguig ang nasabing mga dayuhan habang inihahanda ang pagpapa-deport sa mga ito at pagsasailalim sa BI’s blacklist o hindi na makakabalik pa ng Pilipinas.

Leave a comment