No. 14 ni Cayetano, pumatok sa social media noong Valentine’s Day

Senador Alan Peter Cayetano

Ni NOEL ABUEL

Umarangkada sa social media ang numerong 14 noong Valentine’s Day matapos gamitin ito ng mga Pilipino para suportahan si dating House Speaker Alan Peter Cayetano, na 14 ang numero sa balota sa pagtakbo nito bilang senador sa 2022 national elections.

Kasabay nito ang paglabas ng bagong Pulse Asia survey results noong Lunes na nagpapakitang namamayagpag muli si Cayetano sa mga kandidato sa pagka-senador.

Nagpaulan ang mga tagasuporta ni Cayetano ang Valentine’s Day ng mga posts na punong-puno ng pag-ibig upang maisulong ang pagkakandidato ng dating House Speaker.

linsunod din ito sa pahayag ni Cayetano na nais nitong magkaroon ng isang eco-friendly campaign.

Itinampok ng ilang mga posts ang pagmamahal sa Diyos at kapwa, pati na rin ang bayanihan at pagmamahal sa kapaligiran at pamilya.

“The sense of community or family really comes from loving God above everything and everyone, then loving your neighbor as yourself,” sabi sa isang post.

Karamihan sa mga nasabing posts ay naglalaman ng mensaheng, “One 4 Kuya Alan! One 4 Every Juan.”

Tinawag naman ng ibang mga netizens ang number 14 bilang “ang pinakamapagmahal na numero sa balota.”

Nag-post din ang mga netizens ng mga video tungkol sa paksa ng pag-ibig, pagmamahal para sa isang tao, at pagmamahal para sa trabaho. Katulad ng ginawa ng karamihan, ang mga video ay tungkol sa number 14.

“Happy Valentine’s Day! Punuin natin ng pagmamahal ang araw na ito mga kababayan! Tunghayan ang unang episode ng 1-4 Love! Tiyak kikiligin kayo! or #14Love #14Alan #May14ever,” sabi ng isang caption.

Binanggit naman ng iba ang sinabi mismo ni Cayetano: “Napakahirap man ng ating pinagdaanan nitong nakaraang taon, nawa ay maging daan ito upang lalong tumibay ang ating pananampalataya sa Diyos at pagmamahal sa kapwa.”

Sumali rin sa naturang trend ang ilang mga atleta. Ika nila, “Galing ng mga atletang Pilipino ay kanyang pinaniwalaan, mula noon hanggang ngayon hindi niya kami pinabayaan. Kaya naman sama-sama tayo sa darating na halalan, #14 sa balota, Senador Alan Peter Cayetano, atin s’yang suportahan! #14Love #OneFourLove #LovingApat”

Naging katuwaan naman ng iba ang kanilang 14 posts:

* “Happy Valentine’s Day! Nawa’y 1 Day mahanap ninyo na ang inyong 4ever! #14 #mrbayanihan #alanpetercayetano #forSenator”

* “Para sa ating mga kabataan, ang number 14 ay Pag-ibig. #14Love #OneFourLove #LovingApat”

  * ”Maraming maraming salamat sa pagmamahal, Senator Alan Peter Cayetano. #14 man ang numero mo sa balota, #1 ka naman sa puso namin”

Si Cayetano, na senador noong 2007 hanggang 2017 at naging Senate Majority Floor Leader at chairman ng Senate Committee on Rules, ay nagpasimuno ng isang eco-friendly campaign noong nakaraang linggo.

Hiniling nito sa publiko na huwag mag-print ng mga posters, flyers, at iba pang traditional campaign materials na nakakasama sa polusyon.

Ayon sa dating Speaker, nakapagkolekta ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng humigit-kumulang 168.84 tons – o 28 truck ng basura – ng election-related materials noong Marso 1 hanggang Mayo 14, 2019 sa Metro Manila.

Upang makatulong, minabuti ng dating House Speaker na hilingin sa kanyang mga taga-suporta na magtanim ng mga puno at mangroves o di kaya’y mag-urban farming sa pamamagitan ng backyard gardens.

Isinulong din nito sa kanyang mga tagasuporta ang mga sustainable practices. Para sa kanya, ang kinabukasan ng susunod na henerasyon ay nakasalalay sa kasalukuyang mga gawain.

Leave a comment