Pangulong Duterte tuloy ang trabaho – Sen. Go

Senador Christopher “Bong” Go

Ni NOEL ABUEL

Magpapatuloy pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa sinumpaan nitong tungkulin sa kabila ng limang buwan na lamang bago matapos ang termino nito at tinitiyak na hindi tatalikuran ang COVID-19 response at pagbangon ng ekonomiya ngayong 2022.

Ito ang sinabi ni Senador Christopher “Bong” Go kung saan determinado pa rin aniya ang Pangulo na pagsilbihan ang taumbayan hanggang sa huling araw nito sa Malacañang.

Kasabay nito, umapela si Go sa mga botante na maging maingat at siguruhin na ang iboboto ng mga ito ay uunahin ang pagseserbisyo sa taumbayan.

 “While many Filipinos have expressed their sadness that President Rodrigo Duterte’s term is coming to an end, such is the democratic process. Everything has to come to an end at some point. That said, I am confident that he has done his best in serving the country and will continue to do so as the country’s leader,” ayon kay Go.

“It is up to the Filipino people to decide who among them can actually carry on the positive initiatives started by the current administration in order to provide a comfortable life for all,” dagdag nito.

Sinabi pa ni Go, chairman ng Senate Committee on Health, na malaking tulong ang ginawa ni Pangulong Duterte para mapababa na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa tulong ng Department of Health (DOH).

Pinuri nito ang vaccination efforts ng pamahalaan na naging matagumpay dahil sa agresibong information campaign para mapababa ang vaccine hesitancy levels sa mga Filipino mula 33% noong Mayo ay naging 8% na lamang noong Disyembre 2021, base sa Social Weather Stations surveys.

Kasabay nito, muling hinimok ni Go sa national at local government units (LGUs) na magtulungan para maabot ang hindi pa nababakunahan partikular ang mga senior citizens kung saan kung maaari ay magsagawa na lamang house-to-house vaccinations ang mga lokal na pamahalaan.

 “Iyung mga senior citizens natin hindi nakakalabas at takot mag-travel papunta sa vaccination center. Kaya dapat puntahan ng local government units ‘yung pamamahay ng mga gustong magpabakuna na,” sabi ni Go.

Leave a comment