Countryside development iniapela sa presidential candidates

Rep. Alan Peter Cayetano

Ni NOEL ABUEL

Umapela si dating House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga presidential candidates na isama sa plataporma ng mga ito ang pagpapaunlad sa mga kanayunan  at sa malalayong lugar sa bansa.

Ayon kay Cayetano, na tumatakbong senador, na mahalaga ang countryside development upang makatulong sa ekonomiya ng bansa kung kaya’t umaasa ito sa susunod na administrasyon na gagawa ng paraan para mangyari ito.

 “I hope this will be part ng plataporma ng ating mga presidentiables, hindi lang y’ung mga sasabihin nila, ‘Dito sa Samar, mahirap.’ ‘Dito sa Cebu, maunlad,’” sabi ni Cayetano.

“Sana mayroon talagang nationwide program and may roadmap para magawa na ‘to finally,” dagdag pa nito.

Giit ng mambabatas, maliban sa pagbibigay ng pantay-pantay na pondo sa lahat ng probinsya ay dapat ding tulungan para buong proseso ng konstruksyon, pagpaplano at bidding stages sa mga local government units (LGUs) upang maiwasan ang kurapsyon.

 “Napakaimportante not only do we distribute ‘yung pondo, like ‘yung Build, Build, Build, but ako’y naniniwala, dapat ‘yung planning at bidding, du’n na rin gawin sa lugar nila. Kasi kung tagaroon ang gagawa, iwas corruption ‘to kasi ang local media, mababantayan nang husto,” paliwanag ni Cayetano.

Leave a comment