Marcos-Sara tandem nanguna muli sa survey

Ni NOEL ABUEL

Muling namayagpag sina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte sa pangunguna sa panibagong surveys.

Base sa Manila Bulletin-Tangere survey na isinagawa Pebrero 10 hanggang Pebrero 12, nanguna si Mayor Duterte laban sa pinakamahigpit na katunggali nitong si Senate President Tito Sotto.

Maliban dito, nanguna rin si Marcos sa nasabing survey sa pamamagitan ng mobile applications at sinalihan ng nasa 2,400 respondents.

Sa nasabing survey, nakapagtala si Duterte ng 53.63 preference habang si  Sotto ay nakakuha ng 19.5 percent, at ang pangatlo ay si Dr. Willie Ong na mayroon lamang na 15.42 percent.

Habang si Marcos ay nakakuha ng 51.83 percent na sinundan ni Manila City Mayor Isko Moreno na may 23.5 percent at Vice President Leni Robredo na may 14.71 percent.

Leave a comment