
NI NERIO AGUAS
Aabot sa mahigit 455 na benepisyaryo ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang nabigyan ng tulong at suporta pang empleyo sa mga manggagawang lubos na naapektuhan ng COVID-19 crisis.
Ayon sa DOLE, humigit-kumulang sa P2,256,800 ang halagang naibahagi sa Bicol sa mga benepisyaryo na pinangunahan ng DOLE Masbate Provincial Field Office noong nakaraang linggo.
Ang bawat benepisyaryo ay nagtrabaho ng apat (4) na oras kada araw sa loob ng 16 na araw at nakatanggap ng halagang P4,960.00 bawat isa.
Isa sa mga benepisyaryo ng TUPAD, si Eleonor Y. Relox, 30 taong gulang, at residente ng Brgy. Busing, Masbate ay nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa DOLE.
Ganon rin ang pasasalamat ni Carlo S. Ricrafente, 20 taong gulang, mangingisda, at residente mula sa Brgy. Boca Chica, San Pascual na nakatanggap ng parehong halaga.
Samantala, sinabi ni Regional Director Ma. Zenaida A. Angara-Campita na ang programang TUPAD ng DOLE Bicol ay may layuning tulungan ang mga mangagawang lubos na nangangailangan lalo pa’t may pandemyang kinakaharap ang bansa.
