
Ni NOEL ABUEL
Ito ang sinabi ni Senate President at vice presidential candidate Vicente “Tito” Sotto III sa pagsasabing hindi kailanman malilimutan ng mga Filipino ang madilim na kasaysayan ng bansa sa ilalim ng 20-taong diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
“History is history. It has happened, nangyari na. Paano mo makakalimutan? Gusto mo kalimutan, eh ikaw ‘yun ‘di ba? Paano mo mabubura eh nangyari na? Iyan ang pananaw ko,” pag-uuisa ni Sotto.
Minaliit din ni Sotto ang sinasabing mas bumuti ang buhay ng mga Filipino noong panahon ng Marcos era kung ikukumpara bago ang Edsa Revolution at sa kasalukuyan.
Giit ng vice presidential candidate, naging talamak ang paglabag ng karapatang pantao at malawakang kurapsyon noong panahon ng Marcos era.
Paliwanag ni Sotto, ang pagbaligtad sa kasaysayan ay maituturing na pagpapakalat ng maling impormasyon.
“Paano mo ire-revise ‘yung history kung nangyari na? What you’re essentially doing is disinformation, hindi revising history. You will never be able to revise history,” sabi pa ni Sotto.
Inalala rin ng Senate president kung paano naisulat nito ang kantang “Magkaisa”sa gitna ng EDSA Revolution kung saan nagawa nitong maisulat ang letra ng kanta dahil sa pagkakaisa ng mga sundalo at ng taumbayan habang nagpoprotesta laban sa administrasyon ni Marcos.
“So that inspired me to write the song Magkaisa which I finished in 2 or 3 days. By February 25, there was euphoria all around, kaya noong ibinigay ko ‘yung kanta kay (late) President Cory (Aquino), tuwang-tuwa sila. Si Father Bob Garon was there, he brought to me all the videos that he took of what was happening, pinagsama namin, binigay namin sa television stations that time that were starting to open again,” pag-alala pa ni Sotto.
“You’ll never forget that,” dagdag nito.
