Cayetano sa gobyerno at  stakeholders: Magtulungan para maging kaakit-akit ang agrikultura

Rep. Alan Peter Cayetano

Ni NOEL ABUEL

Iginiit ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano na kailangan ang sama-samang pagsisikap mula sa gobyerno at iba’t ibang sektor upang mas maging kaakit-akit ang agrikultura lalo na sa mga kabataan.

“Number one, I would like to make agriculture more desirable and profitable. And secondly, I will try to reintroduce agriculture to the next generation,” sabi ni Cayetano sa ‘Halalan 2022: Para sa Agrikultura,’  online forum na inorganisa ng Bayanihan sa Agrikultura, na binubuo ng daan-daang agricultural organizations sa buong bansa.

Aniya, hindi lahat ng magsasaka ay nauuwi sa kahirapan, at ang sektor ng edukasyon at ang media ay maaaring gamitin upang ipakita na may kinikita sa pagtatanim na malaking tulong para mapalakas ang apela ng nasabing sektor.

Sinabi pa ni Cayetano na ang Department of Education (DepEd) ay dapat na magsulong ng five- to ten-year plan na magpapakilala sa mga kabataan ang agrikultura.

“If you ask young people now, very few will say na gusto nila maging magsasaka or mangingisda,” sabi nito.

“All politicians will say na sila ang nagpapakain sa ’tin pero sila ang nagugutom. It’s absolutely true but it’s becoming a cliche,” dagdag pa nito.

Ang paglalarawan ng mga magsasaka sa media ay gumaganap din ng mahalagang papel sa pananaw ng publiko sa sektor ng agrikultura at sinabing kung paano ginamit ng ilang probinsya ang mga telenovela upang isulong ang mga positibong balita hinggil sa pagtatanim at kontrahin ang negatibong stereotypes.

Maliban pa dito, sinabi ni Cayetano na dapat dagdagan ng pambansang pamahalaan ang pondo para sa sektor ng agrikultura at magpatupad ng mas ‘integrated and comprehensive approach’  upang mapahusay ang produksyon ng agrikultura sa bansa.

Noong 2021, isinulong ng dating senador ang pagtatayo ng model agricultural communities na naglalayong pondohan, sanayin, at bigyan ng insentibo ang mga magsasaka na lalahok sa mahigit sa isang uri ng aktibidad sa agrikultura.

Ngunit dahil sa COVID-19 pandemic ay hindi ito tuliyang naimplementa.

Leave a comment