Pantay na pagpapatupad ng batas sagot sa krimen at illegal drugs – Mayor Duterte

Ni NOEL ABUEL

Pantay-pantay sa pagpapatupad ng batas ang solusyon para malabanan ang kriminalidad at ang pagkalat ng illegal na droga sa bansa.

Ito ang sinabi ni Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte, sa tanong dito kung ano ang plano nitong solusyon para mawala na ang salot ng lipunan sa sandaling manalo sa May 2022 national elections.

“Ang sa atin, itutuloy natin ‘yung mga nasimulan ni Pangulong Duterte. Nakita natin na sa kanyang administrasyon, bumaba talaga ‘yung crime rate sa buong Pilipinas at ang gagawin natin is to–kung ano ‘yung ginawa natin doon sa Davao City,” sabi ni Duterte.

Nabatid na dinayo ni Duterte ang lalawigan ng Batangas at nakipagkita sa mga local leaders at mga  supporters nito sa pangununa ni Batangas Gov. Hermilando “Dodo” I. Mandanas, ng kaalyado nito sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), na nadeklara ng suporta kina presidential candidate Ferdinand Marcos Jr., at Duterte noong nakaraang buwan ng Disyembre.

“I-emphasize natin sa ating mga law enforcement agencies particularly sa ating mga kapulisan, sa Philippine National Police (PNP) natin na ang unang-unang trabaho nila, isang pantay-pantay na enforcement ng ating batas,” giit ni Duterte.

“That is the reason why Davao City is awarded one of the best city police office dahil naiintindihan nila kung ano ‘yung mga dapat nilang gawin, particularly against anti-criminality,” sabi pa nito.

Leave a comment