Uniteam nais sakupin ang mas maraming lugar – Sara Duterte

Si Davao City Mayor Inday Sara Duterte habang kinakapanayam ng mga mamamahayag sa pagbisita sa Batangas.

Ni NOEL ABUEL

Nilinaw ni Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte na nais nitong marating kasama si presidential candidate Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang mas maraming bahagi ng bansa kung kaya’t hindi nakikita ang mga ito sa mga political rally at iba pang okasyon para sa mga ito.

Tugon ito ni Duterte sa mga pag-uusisa ng mga mamamahayag kung bakit hindi nito nakasama si Marcos sa campaign rally ng UniTeam sa lalawigan ng Batangas.

“Ganoon talaga po ang strategy ng UniTeam dahil hindi pupuwedeng magsama kami lagi. Otherwise, hindi namin maco-cover ang buong Pilipinas. Kung saan man siya pumunta, dala-dala niya ang Bongbong Marcos at Sara Duterte at ganoon din ako. So that way, we cover so many areas sa Pilipinas,” paliwanag ng alkalde.

 Sinabi na nito na kung may pagkakataong at kinakailangang magkasama ang mga itong mangampanya ni Marcos ay pipilitin ng mga itong mangyari.

“And we only collaborate and converge on areas where our strategy is the same, na doon dapat kami magsama,” ani Duterte.

Nabatid na sa pangangampanya ni Duterte sa Batangas City, pinasinayaan nito ang ilang support groups ng Marcos-Sara na KISLAP at MASADA bago nakipagkita sa ilang political leaders ng Batangas sa pangunguna ni Governor Hermilando “Dodo” Mandanas.

Kasunod nito, dinayo rin ng Uniteam ang lalawigan ng Oriental Mindoro kung saan nakipagkita si Duterte kina Gov. Humerlito Dolor at Rep. Doy Leachon.

Leave a comment