BBM-Sara Uniteam aaksyunan ang suliranin ng sugar industry

Ni NOEL ABUEL

Nangako ang presidential-vice presidential UniTeam tandem ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte na hahanapan ng mga ito ng solusyon ang suliranin ng sugar industry sa Negros Occidental.

Ginawa ng Marcos-Sara tandem ang pangako matapos ang pakikipagdayalogo ng mga ito sa mga  sugar planters at magsasaka gayundin ng mga lokal na opisyales ng Negros Occidental na pinakamalaking sugar producer ng bansa.

Nagpasalamat naman si Mayor Ella Celestina Yulo ng bayan ng Moises Padillla na isa sa dumalo sa nasabing dayalogo sa Uniteam kung saan mahalaga aniya na hanapan ng solusyon ng pamahalaan ang dinaranas na suliranin ng mga sugar-producing provinces.

Nabatid na inirereklamo ng mga sugar producers ang nais na mangyari ng Sugar Regulatory Board (SRA) na magsagawa ng sugar importation dahil sa umano’y kakulangan ng supply nito sa lokal na merkado.

Maliban sa Negros Occidental marami ring namomoroblema ang ilang sugar-producing provinces sa Visayas, Mindanao at Luzon, kasama ang Negros Oriental, Iloilo, Bukidnon, Batangas, Pampanga, at Tarlac.

Leave a comment