Kaligtasan at kalusugan ng mga mag-aaral pinatitiyak sa DepEd at DOH

Senador Christopher “Bong” Go

Ni NOEL ABUEL

Muling nanawagan si Senador Christopher “Bong” Go sa pamahalaan at mga opisyal ng educational institutions na garantiyahan ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral sa gitna ng unti-unting pagbabalik ng face-to-face classes sa buong bansa.

Binigyang diin ng senador na habang ang bansa ay nakakaranas na ng pagbaba ng COVID-19 cases ay karamihan ng mga sektor ng ekonomiya na ipagpatuloy ang normal na operasyon at pagtiyak ang kaligtasan at sa panganib na dulot ng pandemya na dapat alalahanin. 

“Hinihimok ko pa rin ang gobyerno at mga school officials na siguruhin ang kapakanan at kalusugan ng ating mga estudyante sa gitna ng gradual expansion ng face-to-face classes sa bansa,” ani Go.

“Naiintindihan po natin na importante po ang edukasyon dahil ito ang tanging puhunan natin sa mundong ito. Kaya hinihikayat ko ang mga bata na patuloy na mag-aral kahit na may krisis tayong hinaharap. Gayunpaman, gawin natin ito sa ligtas na paraan,” dagdag nito.

Umapela rin si Go sa mga school administrators na mahigpit na ipatupad ang Required Health Standards for COVID-19 Mitigation na magkatuwang na inilabas ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) sa kanilang pagbabalik sa pagtuturo.

“We’ll do it one step at a time so that our students’ safety is not jeopardized. Huwag natin biglain and let us assess what happens. Kahit ayaw nating maantala ang klase nila, importanteng safe ang mga estudyante,” giit pa ni Go.

“Health and safety pa rin ang importante. Sa kagustuhan nating makapag-aral ang mga bata, ‘wag natin kalimutan na unahin palagi ang interes, kapakanan at buhay nila at ng bawat Pilipino,” aniya pa.

Leave a comment