
Ni NOEL ABUEL
Isinusulong ni Aksyon Demokratiko presidential candidate Isko Moreno Domagoso ang pagbabawas ng 50 percent sa fuel excise tax sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa at sa buong mundo dahil na rin sa tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
“Sa panahon ng kagipitan, ang gobyerno ang dapat magparaya, para naman maibsan ang hirap ng tao,” sabi ni Moreno.
Paliwanag pa ng Manila mayor na Setyembre 25 pa ng nakalipas na taon nang simula nito ang pakikipagdayalogo sa mga magsasaka at mangingisda sa probinsya ng Tarlac bunsod ng pagtaas ng presyo sa pagkain at iba pang pangunahing produkto dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
“Kahit wala pa itong nangyayaring kaguluhan sa Europa ay nasabi ko na itong possible scenario. As early as September, when I had a dialogue with farmers and fisherfolks in Tarlac, I already warned that the price of oil in the world market will continue to increase,” paliwanag ni Moreno.
Aniya, sa sandaing manalo ito sa darating na May national elections ay titiyakin nito na isusulong ang pagbabawa sa excise tax sa produktong petrolyo upang matulungan ang mga Filipino sa gitna pa rin ng pandemya.
“To cushion the socio-economic impact of the pandemic, a 50-percent reduction in fuel excise tax can lower the power generation cost and another 50-percent cut on taxes on electricity would mean savings for the majority of our people, many of whom are jobless now due to the Covid-19 pandemic,” pahayag pa nito.
“Now, with the Ukraine-Russia conflict escalating into a war, all the more oil supplies will become scarce and expensive,” sabi ni Moreno.
Sinabi pa nito na ang tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia ay nagtulak sa pagtaas ng presyo ng langis sa buong mundo. At sa pagsisimula ng operasyong militar ng Russia sa Eastern European country, nakita ng mundo ang presyo ng krudo kada bariles na nasa $100 sa Brent at $92 sa Dubai.
Idinagdag pa ni Moreno na ang anumang pagtaas ng presyo ng langis ay may domino effects sa pang-araw-araw na gastusin ng bawat Filipino mula transportasyon hanggang pagkain at mula kuryente hanggang sa iba pang pangangailangan.
Ang pagbabawas aniya sa buwis ng produktong petrolyo at kapangyarihan ay magiging prayoridad ng Moreno administration kung magwawagi ito sa eleksyon.
“The impact on the lives of Filipinos will be so difficult in the coming months. It is time government steps backward, sacrifice some revenues, just to alleviate people’s sufferings. With the Ukraine-Russia conflict escalating into a war, all the more oil supplies will become scarce and expensive. The impact on the lives of Filipinos will be so difficult in the coming months. It is time government steps backward, sacrifice some revenues, just to alleviate people’s sufferings,” sabi pa ni Moreno.
Maliban sa pagbabawas sa buwis sa langis, plano rin ni Moreno na isa pang 50 porsiyentong ng pagbabawas sa presyo ng kuryente dahil ito ay magiging kapaki-pakinabang hindi lamang sa mga kumokunsumo ng kuryente kundi maging ng mga maliliit na negosyante dahil nangangahulugan na karagdagang kita.
“To cushion the socio-economic impact of the pandemic, a 50-percent reduction in fuel excise tax can lower the power generation cost and another 50-percent cut on taxes on electricity would mean savings for the majority of our people, many of whom are jobless now due to the Covid 19 pandemic,” ayon pa kay Moreno.
Ipinunto pa ni Moreno ang positibong epekto ng bawas sa buwis sa gasolina ay agad na maramdaman ng mga operators at divers ng pampasaherong sasakyan na tatalikuran na ngayon ang kanilang kahilingan na dagdag pasahe na makakaapekto sa commuting public partikular ang mga mahihirap at nasa middle class.
Idinagdag pa ni Moreno na ang 50 percent tax cut sa kuryente ay mangangahulugan na mas maraming pagkain sa hapag-kainan at maraming pera na gagastusin sa mga pangunahing pangangailangan ng isang pamilya kabilang ang gamot.
“We cannot bring down the cost of power generation but the end-users or the consumers, can be made to pay lower electricity bills. How? Bawasan natin ang buwis sa kuryente ng 50 porsyento. Mababawasan ang kita ng gobyerno pero ang tao ang panalo dahil sa malaking pera na kanilang matitipid,” aniya pa.
