Dating DAR Sec. Castriciones inampon ni Isko Moreno sa senatorial lineup

NI NOEL ABUEL

Hindi isinasantabi ni Aksyon Demokratiko standard bearer Isko Moreno Domagoso na dagdagan pa ang senatorial candidates nito habang nalalapit ang panahon ng May national elections.

Ito ay kasunod ng pormal na pagkakabilang ni dating Agrarian Reform Secretary John Castriciones  sa senatorial bets ni Moreno.

“Why not? We’ll never know. Hanggang labindalawa lang naman eh. Basta kung sila tutulong sa atin, tutulungan kami eh bakit naman hindi e ako naman ang nanawagan na sana tulungan tayo ng ating mga kababayan at bigyan tayo ng tsansa at pagkakataong makapaglingkod sa kanila,” sabi ni Moreno.

Nabatid na mula nang simulan ang pangangampanya noong Pebrero 8, tuluy-tuloy ang pagsuyo nina Moreno at ng kanyang vice presidential candidate Doc Willie Ong gayundin ang mga senatoriable na sina Dr. Carl Balita, Samira Gutoc, at Jopet Sison.

“Basta tayo any help will do. Tayo naman eh talagang nangangalap ng lahat ng uri ng suporta. Endorsement ni Juan dela Cruz, endorsement ni Maria, endorsement ng mga grupo, endorsement ng mga institusyon and so on and so forth. I’m hoping it (would be) soon but you know we have to meet as a team and we will consult each other, then after that ipaaalam namin sa inyo,” pahayag ni Moreno.

Sinabi ni Ernest Ramel, chairman ng Aksyon Demokratiko, na ang pagkakadagdag ni Castriciones sa senatorial line-up ng partido ay malaking bagay.

“Former DAR Secretary John Castriciones is a welcome addition to the team. He will not only bring his integrity, experience and knowledge in helping out our farmers who are one of those closest to Mayor Isko Moreno Domagoso’s heart. Our standard bearer has repeatedly said that the lack of food security is a threat to national security,” aniya pa.

“Dagdag pa, ang pagsama ni Sec. John ay patunay ng patuloy ng paglawak at paglakas ng suporta ng mamamayang Pilipino sa Tunay na Solusyon, Mabilis Umaksyon na liderato ni Mayor Isko Moreno Domagoso. Dumadami na ang #SwitchToIsko,” dagdag nito.

Ngunit nilinaw ni Ramel, na si Castriciones ay hindi maaaring ampunin ng Aksyon Demokratiko sa kadahilanang may sinusuportahan itong ibang vice-presidential candidate.

Si Castriciones, na pangulo ng Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee, ay tumatakbo sa ilalim ng Partido Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Sumama na si Castriciones kay Moreno at ng Aksyon Demokratiko senatorial bets sa tatlong araw na pangangampanya sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) mula Pebrero 20 hanggang Pebrero 22.

Leave a comment