Mag-travel goals muna sa ‘Pinas bago ibang bansa –solon

Senador Panfilo Lacson

Ni NOEL ABUEL

Umapela si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa mga Pilipino na nagbabalak na magbakasyon na bisitahin muna ang magagandang lugar sa bansa bago ang pagbisita sa abroad.

Ayon sa senador, ngayong bumababa na ang kaso ng mga bagong nahahawa ng COVID-19 at mas maraming lugar na ang nagbukas para sa turismo, magandang pagkakataon aniya ito na tangkilikin ang sarili nating turismo

Inamin ng presidential candidate na maging ito ay may mga hindi pa napupuntahang lugar sa Pilipinas at patuloy pa siya sa pagdiskubre sa mga natatagong destinasyon sa bansa. 

“Ako nagpunta ako doon sa Tam-awan, ano, napakagandang village, ‘yung parang mga katutubo natin doon at meron silang rituals doon,” kuwento ni Lacson.

Pinatunayan din ni Lacson sa kanyang pagbisita sa iba’t ibang lugar ngayong kampanya na bagama’t 73-anyos na ito malakas pa sa mga mas bata sa kanya.

Aniya, nakakasabay ito sa mga nakababata niyang mga staff nang umakyat sila sa Tam-Awan.

“Nagulat nga ‘yung mga kasama ko kasi tuluy-tuloy ako hanggang tuktok at nakita namin maganda ‘yung view deck,” aniya.

Kasabay nito, inihayag din ni Lacson ang pagsusulong nito na mapaganda pa ang mga tourism hotspot sa bansa nang hindi nasisira ang natural nitong ganda.  

“I would recommend na pumunta sila. ‘Yon, napakagandang lugar. Noon lang ako nakapunta sa tinagal-tagal ko sa Baguio e, noon lang ako napunta sa lugar na natural, ano, at dapat nga i-develop ‘yon at i-propagate as a tourism hotspot in Baguio,” paglalahad pa ni Lacson sa kanyang pagbisita sa summer capital ng Pilipinas noong Pebrero 18 at 19.

Leave a comment