
NI NOEL ABUEL
Muling hinimok ni Senador Christopher “Bong” Go sa gobyerno na masusing pag-aralan ang iminungkahi ng mga Metro Manila Mayors na ibaba ang alert level sa National Capital Region (NCR) at sa iba pang lugar sa bansa.
Sa kanyang pahayag, tinukoy ni Go na ang mga aral na natutunan sa paglaban ng bansa sa pandemya ay hindi dapat masayang kung saan binanggit nito na bagama’t patuloy na bumababa ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 at habang pinapalakas ng gobyerno ang pagsisikap na palakasin ang sistema ng pangangalagang pagkalusugan at tiyakin ang accessibility ng mga bakuna sa publiko ay dapat pa ring mag-ingat ang lahat.
“Marami na tayong natutunan at nalampasang mga pagsubok sa ating pakikipaglaban sa pandemya sa nakalipas na dalawang taon. Patuloy na ngayong bumababa ang mga kaso ng COVID-19 at tumataas naman ang bilang ng mga bakunado sa bansa,” sabi ni Go.
“Kasabay nito ang walang tigil na pagpapalakas ng kapasidad ng ating healthcare system upang maging mas accessible sa lahat ng nangangailangan at mas handa sa anumang krisis pangkalusugan na maaaring dumating pa,” dagdag.
Sa kabila aniya na malaking tagumpay na ito ng bansa ay hindi dapat na maging kampante ang publiko na huwag maging kampante habang nananatili ang bansa ng virus.
“Gayunpaman, huwag muna tayong maging kumpiyansa. Delikado pa rin ang panahon hanggang nandirito pa ang banta ng COVID-19. Kaya mahalaga na mapag-aralan nang mabuti ang dahan-dahang pagluluwag at pagbaba sa Alert Level 1 lalo na sa Metro Manila,” giit nito.
