Pagpapalipad ng drone pinaiimbestigahan ng kongresista

Rep. Florida “Rida” P. Robes

Ni NOEL ABUEL

Pinaiimbestigahan ni San Jose Del Monte Rep. Florida “Rida” P. Robes ang drone operations sa bansa upang mapigilan ang naiulat na maling paggamit at pang-aabuso nito.

Sa House Resolution No. 2473, nanawagan si Robes sa House Committee on Transportation na magsagawa ng pag-iimbestiga upang matukoy ang kasalukuyang kalagayan ng mga drone operations sa bansa sa gitna na rin ng mga ulat na maling paggamit at pang-aabuso na lumalabag sa karapatang-pantao, kaligtasan at seguridad.

Tinukoy nito ang Memorandum Circular No. 21 na may petsang June 2014 ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na kinokontrol ang paggamit at pagpapatakbo ng unmanned aircraft vehicles (UAVs) sa bansa.

Idinagdag pa ni Robes na bagama’t ang regulasyon ay hindi nangangailangan ng permit ay hindi kailangan para magpalipad ng drone bilang libangan, may ilang lugar at pangyayari na nangangailangan ng lisensya at registration para makapag-operate nito.

“Under CAAP rules, licenses are needed if the drone is operated commercially or weighs more than seven (7) kilograms or if the drone will be flown in restricted conditions such as  going inside restricted air space, conducting night flights, flying over populated areas, and going above maximum altitude. The Rules specifically state that drones are not allowed to go into private places and populated zones which include subdivisions and residential areas,” sabi ni Robes.

Ngunit kamakailan, sinabi ni Robes na ang kanyang pamilya ay naging biktima ng illegal drone operations nang lumipad ang isang drone sa bahay ng magulang nito sa Bustos, Bulacan na muntik nang pumasok sa kusina ng nasabing bahay.

“Such intrusion clearly violated CAAP Rules on drone operation because this not only posed risks to our safety but also to our privacy and security,” giit ni Robes.

Idinagdag pa ng mambabatas na kinakailangan at napapanahon ang imbestigasyon sa drone operations dahil na rin sa marami nang ulat ng pagnanakaw sa Bustos, Bulacan at sa iba pang lugar na ginagamitan ng drone.

“There is a need to conduct an investigation, in aid of legislation, in order to determine the prevalence of drone operations in the country, how their operations are monitored and supervised and revisit existing regulations to guard against undue violations to rights to privacy, safety and security,” aniya pa.

Leave a comment