BI nagpaalala sa mga dayuhan: Annual report period hanggang Marso 1

Ni NERIO AGUAS

Naglabas ng abiso ang Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng BI-registered foreign nationals na nasa bansa na mayroon na lamang ang mga itong hanggang Marso 1 para sa 2022 annual report.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, wala nang ekstensyon na ipatutupad ang BI sa annual report period kung saan sinumang mabibigo na tumugon dito ay mahaharap sa multa at pagpapatapon pabalik ng kanilang mga bansa.

“We urge all foreigners holding immigrant and non-immigrant visas to report to the nearest BI office for their annual report until tomorrow, March 1,” sabi ni Morente.

Base sa kasalukuyang panuntunan ng BI, ang lahat ng BI-registered aliens ay kailangang personal na isaayos ang annual report sa loob ng unang 60 araw sa bawat calendar year.

Sinabi pa ni Morente na ang mga 14-anyos pababa ang edad at 65-anyos pataas ang edad at mga buntis at persons with disabilities ay exempted na personal na magtungo sa BI para sa AR.

“Those exempted may opt to file their AR through their authorized representative or any BI-accredited liaison officer,” aniya pa.

Sa datos ng BI, noong nakaraang taon ay nakapagtala ang ahensya ng kabuuang 130,148 dayuhan na sumailalim sa annual report.

Leave a comment