Economic at security clusters ng gobyerno dapat nang kumilos – Sen. Tolentino

Senador Francis “Tol” Tolentino

Ni NOEL ABUEL

Kailangan nang kumilos ang mga economic at security clusters ng pamahalaan para palakasin ang mga hakbang sa magiging epekto ng sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ito ang panawagan ni Senador Francis ‘Tol’ N. Tolentino sa National Economic and Development Authority (NEDA) at ang National Security Council (NSC) kung saan dapat na gumawa na ng game plan upang kahit papaano ay maiwasn o mabawasan ang nalalapit na epekto ng Russia-Ukraine crisis na tiyak na magdudulot ng mas mataas na global inflation sa mga susunod na linggo.

“Dapat pati ang Bangko Sentral at iba pang financial institutions ay paghandaan na ang posibleng epekto ng Ukraine Crisis sa system of banking. Nakita na natin grabe ang pagbaba ng stocks, siyempre sa buong mundo naman ‘yan,” paliwanag ni Tolentino.

Ayon pa sa senador, magsisimulang maramdaman ng Pilipinas at iba pang kalapit bansa nito sa Southeast Asian ang napipintong pagtama ng inflation sa susunod ng dalawang linggo  lalo na kung ang hidwaan sa dalawang Eastern European nations ay magtatagal.

Aniya ang local pump prices na nakatakdang tumaas ngayong linggo ay pang siyam na at ang kalakalan sa global oil market ay lumubo na $105 kada barrel kasunod ng pag-atake ng Russia sa Ukraine.

Samantala, sa pandaigdigang  kalakalan sa usapin ng trigo ay umakyat na sa siyam na taon sa $9.32 kada 60-pound bushel.

Ang trigo ay pangunahing sangkap sa mga pagkain partikular sa paggawa ng tinapay tulad ng pandesal, fermented alcoholic beverages, at iba pang cereal commodities.

Binigyan-diin din ni Tolentino na dapat tiyakin ng pamahalaan na ang presyo ng pagkain at gasolina ay mananatiling abot-kaya at madaling aabot ng ordinaryong tao sa kabila ng ilang usapin na bumabalot sa supply chain na inaasahang lalo pang tumindi sa mga susunod na araw.

“’Yung presyo ng pagkain, presyo ng gasolina, at presyo ng mga basic goods—‘yun siguro po ang matutukan. Dapat manatiling affordable pa ‘yun,” sabi pa ni Tolentino.

Leave a comment