Tulong sa mga Pinoy seafarers iniapela sa gobyerno

Rep. Jesulito Manalo

Ni NOEL ABUEL

Nanawagan ang isang kongresista sa pamahalaan na tulungan ang mga Filipino seafarers na biktima ng pambobomba ng Russia sa sinasakyang barko sa karagatan sakop ng Ukraine.

                Ayon kay Angkla party list Rep. Jesulito Manalo, dapat tiyakin ng pamahalaan na matutulungan ang 21 Pinoy seafarers na sakay ng M/V Namura Queen at ang 11  Filipino crew members ng Yasa Jupiter na pawang tinamaan ng bomba ng Russia.

“Nobody wants war as this means loss of lives and livelihood for many people. The fact that Filipino seafarers are already directly affected by this saddens us and we call on the government to do everything to assist them and their families while in this distressing situation,” sabi ni Manalo.

Ayon pa dito, na kasama sa posibleng tulong sa mga naturang Pinoy seafarers ay pagbibigay ng pagkain at iba pang kinakailangang supply at maaari ring makausap ang mga mahal sa buhay ng mga ito upang mabawasan ang pag-aalala.

“It is just right for the government to help our modern-day heroes that are instrumental in keeping our economy afloat even during the COVID-pandemic. We know the sacrifices of our seafarers and being deployed in conflict areas add to their already long list of sacrifices for their families and our country,” ayon pa kay Manalo.

Ipinaliwanag nito na ang mga Pinoy seafarers ay maituturing ng bagong bayani dahil sa kabila ng nangyayaring kaguluhan sa Ukraine ay nagpatuloy pa rin ang mga ito para maipadala ang kinakailangang supply ng nasabing bansa.

“Seafarers—Filipino, Ukrainian, Russian, or whatever nationality— are truly global maritime professionals as they continue to serve the international economy although they know that they are risking lives and limbs in facing the perils of the sea and now, even rockets and bombs. We are hoping that this conflict ends the soonest to ensure the safety of everyone,” paliwanag pa ni Manalo.

Leave a comment