
Ni NOEL ABUEL
Hindi prayoridad ni Aksyon Demokratiko standard bearer Isko Moreno Domagoso ang pagbuhay sa kontrobersyal na Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) sakaling ito ang manalo sa darating na eleksyon dahil sa mga panganib sa kaligtasan at epekto sa kalikasan.
“Well, I don’t think that the Bataan Nuclear Power Plant today is suitable for power generation. They have to permanently close it down. Wala na yan, hindi na yan safe para sa mga tao. Hindi yan safe para sa mga tiga-Bataan,” sabi ni Moreno nang magtungo sa nasabing lalawigan at mag-courtesy visit kayBishop Ruperto Cruz Santos ng Diocese of Balanga.
Magugunitang itinayo ang BNPP noong 1976 sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr. na kauna-unahang nuclear facility ng bansa at tanging nag-iisang nuclear power plant na nagkakahalaga ng $2.2 Billion ng foreign loans.
Nang maging maupo si dating Pangulong Corazon Aquino noong 1986, nagpasya itong hindi na patakbuhin ang NBPP dahil sa kurapsyon at safety concerns lalo na nang bumagsak ang Chernobyl nuclear fallout sa Russia sa naturang taon.
“Sa ngayon maraming other sources of energy – renewable, gas, or coal. Hangga’t mayrong teknolohiya at etong mga teknolohiyang eto na available and cost much less. I’m not saying it’s not harmful, but less ang masamang epekto sa kapaligiran ‘yun muna ang ipaprayoridad ko especially if there is an opportunity to copy what the Netherlands did. They are resorting to renewable energy through open space via potable type pero ang ginawa nila agri-potable type source of energy. So, nakaimbento na sila ng way na patuloy pa rin silang magtatanim ng mga pagkain at kung saan tinatanim yung pagkain meron din source na pwede pagkunan ng clean, renewable energy,” paliwanag ni Moreno.
Sinabi pa ng alkalde ng Maynila na gamiting inspirasyon ng bansa ang The Netherlands dahil karamihan sa mga ito ay gumawa ng kuryente mula sa renewable sources tulad ng wind, solar energy, at biomass.
Taong 2018, ang nabuo sa pamamagitan ng wind power sa Netherlands ay umabot sa 10.5 terawatt-hours kung saan ang electric production ay nanggaling sa photovoltaic power, at sa kabilang banda nagpalabas ito ng 5.2 terawatt-hours noong 2019.
“So, those are the things that are duplicable because sa teknolohiyang available so baka pwede naman tayo mag-resort sa ganyang finding source sa electricity. So, hanggang may option dapat masyadong ini-entertain ‘yung nuclear energy source. But just the same for the meantime etong Bataan Nuclear Power Plant ay hindi naman na to safe para sating mga kababayan dito sa Bataan,” ani Moreno.
At dahil hindi umano maaasahan maliban pa sa pinakamahal sa buong Southeast Asia ang kuryente sa Pilipinas, nangako si Moreno na na bibigyang-prayoridad nito ang pagtatayo ng mas maraming power plants, pawang conventional at renewable, upang masiguro ang isang matatag at abot-kayang supply ng kuryente para mapalago ang ekonomiya ng bansa at makaakit ng mas maraming foreign investments.
