Nakakalungkot ang sitwasyon ngayon ni Kris Aquino kaugnay ng kanyang kalagayang pangkalusugan.
Sa mga naglalabasang balita kasi, nakikita ang larawan ni Kris na nangangayayat na na malayo sa dati niyang magandang itsura na kinaiinggitan ng maraming kababaihan.
Patuloy na ibinabahagi ni Kris Aquino sa kaniyang Instagram followers ang update sa lagay ng kaniyang kalusugan.
Inihayag niya rin na posibleng ngayon buwan siya pumunta sa abroad para magpagamot.

Sa Instagram post, sinabi ni Kris na natapos na niya ang kaniyang unang Xolair injection.
“1st Xolair injection was a success, meaning kinaya ko the full dose,” saad niya sa caption ng video tungkol sa kaniyang first dose.
“For the privacy of my doctors let me say thank you using their 1st names: Dr. Hazel, Dr. Katcee, Dr. Nikki, and Dr. Cricket… nurse Eloi is back & nurse Bianca came para magbantay,” patuloy ni Kris.
Nandoon umano ang kaniyang dalawang pinaka-close friends na para na niyang kapatid na sina Anne Binay at Cong. Len Alonte.
“And katabi ko best sons ever kuya josh & bimb. Yes, that’s why May tita Ballsy, we were updating my Ate every step of the way,” sabi pa niya.
Kung walang magiging aberya sa susunod niyang dose, sinabi Kris na maaaring makaalis na siya papunta sa abroad.
“Thank you for your prayers- supposed to rest this week, then March 13 ang next shot- then after 5 days, praying nothing goes wrong, we finally go abroad & I continue my next doses of Xolair and finally tackle my autoimmune and other important health problems,” pagbahagi pa ni Kris.
Inihayag din ni Kris na nasa 85 pounds o 38.5 kg lang ang kaniyang timbang ngayon.
“P.S. nurse Eloi was giving me diphenhydramine shots for my chronic urticaria, last night. Sanay na ko. Kailangan talaga kasi,” dagdag pa niya.
“Thank you for being part of my road to wellness & hopefully better quality of life journey w/ me,” pagtatapos ni Kris sa caption.
