
Ni NOEL ABUEL
Nanawagan si Quezon City Rep. Alfred Vargas sa pamahalaan na suportahan ang mga naghihingalong private school sector dahil sa naging epekto ng COVID-19 pandemic.
Kasabay nito, tinukoy ng mambabatas ang inihain nitong resolusyon na nananawagan ng agarang tulong sa mga guro na nawalan ng trabaho maging ang estudyante dahil sa pagsasara ng mga paaralan.
“Every private school closure is a tragic loss to learning and should be treated with concern by the State with the same gravity and seriousness,” sa inihain nitong panukala.
“It means wasted infrastructure and human capital, uncertainty in the future of our teachers and educators and anxiety for students and their families who are separated from communities of learning that they had been long part of,” dagdag ni Vargas.
Binanggit ni Vargas ang ulat ng UNICEF na ang pagkabigla sa ekonomiya sa pandemya ay naglagay sa mga pribadong paaralan partikular ang mga low-cost private schools na labis na tinamaan ng pagkalugi.
Ayon pa sa UNICEF, dalawang milyon mula sa dating 4.3 milyon estudyante sa private schools ang muling nakapag-enroll sa simula ng pandemya sa bansa.
Tinawag ng mambabatas ang kalagayan ng mga pribadong paaralan bilang isang “educational crisis” dahil sa nawala ang oportunidad sa edukasyon ng milyun-milyong estdyante.
Idinagdag pa ng three-term congressman, na base sa naging konsultasyon nito sa mga private school administrators and managers sa nasasakupang nitong distrito ay nakaranas ng education crisis dahil maraming private schools sa Quezon City ang napilitang magsara bunsod ng serious financial losses.
“I personally met with members of the Association of Private School Administrators (APSA) – Quezon City and many of them voice their fear that with the opening of face-to-face classes in public schools, there will even be less concern for private schools from the Department of Education (DepEd),” sabi ni Vargas.
“We cannot let private schools just die like an unattended patient and casualty of the COVID-19 pandemic,” aniya pa.
