Pagbibigay ng cash incentives sa Pinoy artist, writers at performers isinulong sa Senado

Senador Sonny Angara

Ni NOEL ABUEL

Isinusulong ni Senador Sonny Angara ang pagkakaloob ng cash incentives sa lahat ng artistang Filipino na nagwagi ng mga parangal sa buong mundo upang mas marami pang mahikayat at mapaunlad ang nasabing sektor at bigyan ang Pilipinas ng mas marami pang pagkilala.

Ayon kay Angara, na kilalang masugid na tagasuporta ng sining tulad ng kanyang ama na si dating Senate President Edgardo Angara, kung papaano ipinakita ng mga artistang Pinoy ang kanilang husay at pagkamalikhain sa mundo na tumutulong na itaas ang kamalayan ng international community sa yaman ng talento ng mga Filipino.

Kabilang sa pinakahuling nanalo ng award ay ang aktor na na si John Arcilla na nag-uwi ng Coppi Volpi bilang best actor sa 78th Venice Film Festival; si director Diane Paragas, na nanalo ang pelikulang Yellow Rose sa 2019 Reel Asian Best Feature Film award sa Toronto International Film Festival.

Gayundin ang vocalists na sina Marlon Macabaya at Denise Melanie Du Lagrosa, na nagwagi ng una at ikalawang puwesto sa Stars of Albion Grand Prix 2019 sa London at ang pintor na si Worth Lodriga, na noong 7-taong ulang ay nanalo ng unang parangal sa 2017 Student Mars Art Contest sa Estados Unidos.

Sinabi ni Angara na upang makapagbigay ng karagdagang suporta sa mga Filipino filmmakers, film production entities, literary writers, artists and performers sa creative sector na nakatanggap ng parangal sa ibang bansa, ang nagtulak dito na ihain ang Senate Bill 2466 o ang Artists Incentives Act of 2021.

Para sa mag-uuwi ng pinakamataas na parangal sa international competitions, film festivals o exhibitions na itatakda ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Film Development Council of the Philippines (FDCP) at Cultural Center of the Philippines (CCP), nakasaad sa panukala ang pagbibigay ng P1 milyon bilang cash incentive.

Nakapalood din sa panukala ang pagbibigay ng P500,000 cash incentive sa mga makakakuha ng espesyal na pagkilala o anumang  parangal na hindi itinuturing na pinakamataas na pagkilala sa isang internasyunal na kompetisyon.

“We have so many talented artists here in the country and many of them have yet to showcase their work at a larger stage. By providing these cash incentives we are giving them the motivation to work even harder so that they can reach their full potential and make a name for themselves, not only here, but also in the international arena,” paliwanag ni Angara.

“Over the years we have seen many Filipino artists gain recognition in some of the most prestigious events in the world. Their accomplishments coupled with these proposed incentives could serve as an inspiration to our brilliant members of the creatives, entertainment, arts and literary sectors to produce even more award winning works,” dagdag pa nito.

Ang mga halimbawa ng mga kumpetisyon at exhibitions na kasama sa saklaw ng panukalang batas ang Festival de Cannes, Sundance Film Festival, Toronto International Film Festival, Venice Film Festival, Berlin International Film Festival, New York Film Festival, at ang Busan International Film Festival.

Leave a comment