‘Oplan Baklas’ ng Comelec, hinarang ng SC

Ni NERIO AGUAS

Nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema laban sa kontrobersyal na “Oplan Baklas” ng Commission on Elections (Comelec) kasunod ng petisyon na inihain ng supporters ni Vice President Leni Robredo.

Ayon sa Public Information ng Supreme Court, inilabas ang TRO sa ginanap na en banc deliberations sa hiling ng mga petitioners na sina Dr. Pilita De Jesus Liceralde, na isa sa convenors ng Isabela for Leni, at Dr. Anton Mari Hao Lim, na isa sa convenors ng Zamboanguenos for Lenin na ipatigil ang implementasyon ng Sections 21, 24, at 26 ng Comelec Resolution no. 10730.

“The Supreme Court, during its en banc deliberations today, March 8, 2022, issued o temporary restraining order against the  Commission on Elections and Comelec director and spokesman James Jimenez in connection with the poll’s Oplan Baklas,” ayon sa SC.

Binigyan ang Comelec ng 10 araw para magkomento sa petisyon.

Ayon sa petisyuners, sila ang mga may-ari ng tarpaulins, posters, murals, at iba pang election materials na naka-display sa kanilang private properties, na inalis ng mga tauhan ng Comelec dahil sa Oplan Baklas.

Kamakailan, ay sapilitang inalis ng tauhan ng Oplan Baklas ang tarpaulins, posters, at murals na hindi akma sa size restrictions ng Comelec, kahit nasa loob pa ito ng private properties.

Base sa Section 21 ng Comelec Resolution 10730 ay limitado ang size ng posters sa 2 feet by 3 feet habang isang signboard lamang para sa headquarters, na hindi lalampas sa 3 feet by 8 feet ang pinapayagan sa ilalim ng Section 24.

Habang sa Section 26 ng parehong resolusyon ang Comelec ay inuutos na agad alisin, sirain, o kumpiskahin ang mga pinagbabawal na propaganda material. 

Leave a comment