
Inaresto ng mga pulis sa Atlanta, USA ang direktor ng “Black Panther” movie na si Ryan Coogler matapos mapaghinalaang isang bank robber nang tangkaing mag-withdraw ng malaking halaga sa sariling account nito.
Ayon sa Reuters batay sa ulat ng Variety, nangyari ang insidente noong nakaraang Enero ngunit ngayon lang inilabas ng Atlanta police ang video na kuha mula sa body camera.
“From we got the call, sounded like someone was trying to rob the bank,” madidinig na pahayag ng isang pulis.
Base sa ulat, nagpunta sa Bank of America ang 35-anyos na direktor at inabot sa isang teller ang withdrawal slip na may nakasaad na, “I would like to withdraw $12,000 cash from my checking account. Please do the money count somewhere else. I’d like to be discreet.”
Ngunit sa pag-aakalang hiniholdap ni Coogler ang bangko na ibig sabihin sa sulat dahil higit sa $10,000 ang nais nitong i-withdraw.
Kaagad na ipinaalam ng bank teller sa kanyang boss ang mensahe mula sa kanilang kliyente na may suot na face mask at agad na tumawag sa 911 hanggang dumating ang mga pulis.
Sa video, makikita na ipinosas si Coogler ngunit kinalaunan ay pinalaya rin si Coogler.
Wala pa umanong pahayag ang bangko sa nangyaring insidente.
Sa pahayag naman ng direktor, sinabi niya na “This situation should never have happened. However, Bank of America worked with me and addressed it to my satisfaction and we have moved on.”
Taong 2018 nang ipalabas sa mga sinehan ang “Black Panther” na naging second-highest grossing movie worldwide.
